LTLYL 10

148 11 9
                                    

it pours.

Naglakad ako palayo, malayo sa kanilang lahat. Wala akong ideya kung saan ako papunta, nagpatianod lang ako kung saan dadalhin ng mga paa ko. Mabagal ang bawat hakbang hanggang sa unti unti'y bumubilis hindi ko namalayan na tumatakbo na ako. Hindi ko pinansin ang mga boses na tinatawag ang pangalan ko.

Hindi pa kami maayos eh, masyado pang masakit ang pagkawala niya pero sinusubukan naman namin bumalik sa normal. Nagiging maayos na eh, pero ano na naman ito? Bakit nangyayari na naman ito?

Alam ko naman na may mga bagay na nangyayari na hindi natin kontrolado. Sabi pa ng iba things happen for a reason, pero bakit ganito? Kahit anong rason pa hindi ko na matatanggap yan! Parang recorder na paulit ulit nagrereplay sa utak ko ang masamang balita.

"Isang car crashed ang naganap sa may South Road Properties kung saan napasama ang sinasakyan ng Nanay nyo. Isang heavy equipment truck na nawalan ng preno sanhi ng aksidente kasama ng isang family van. I'm so sorry but dead on the spot ang biktima dahil sa lakas ng impact." Paliwanag ng pulis sa amin na siyang nagimbestiga sa naturang insidente.

Biglang nanlamig ang buong katawan ko, nanlalambot na ang mga binti ko na parang anumang oras ay bibigay na ito. Para akong nasabugan ng bomba sa narinig ko, napaupo ako sa sahig ng hospital at isinandal sa pader ang ulo ko. Sana biro lang ang lahat, tumingin ako sa lalaking naghatid ng hindi katanggap tanggap na balita.

Makikita sa mukha ang awa at pakikiramay. Hinihintay kong sabihin niya na prank lang ito, kahit nakakapikon mas maluwag sa loob kong tanggapin iyon. Ilang sandali pa ay tinalikuran na niya kami para kausapin din ang pamilya ng iba pang biktima.

Utang na loob, please lang ano bang kamalasan ang dumapo sa pamilya at nararanasan namin ang sunod sunod na delubyong ito! Pakiusap hindi na ito nakakatawa, papaghingain niyo naman kami, nakakapagod na nakakasawa na.

Hindi na kinaya ng Ate ko ang, hinimatay siya dahil sa paghyhyperventilate, mabuti nalang at naagapan ko aya hindi na bumagsak sa sahig. Habang yakap ko siya sumigaw ako para humingi ng tulong na agad naman inasikaso ng mga nurse.

Dinala siya sa isang kwarto at hinahayaang magpahinga. Nakaupo ako malapit sa hinihigaan niya, hindi ko alam ang gagawin ko walang wala ako sa sarili ko. Wala akong maramdaman ngayon, kahit ang mga kamay ko ay hindi ko na maramdaman pa.

Naisip ko si Mama na kanina lang ay nagpaalam siya para lumabas sandali. Ilang oras pa lang naman ang nakakaraan, ganoon kabilis. Kung alam ko lang ang mangyayari saan pinigilan ko siya kanina, sana hindi nangyari ito. Ako ang huli niyang nakausap, kung alam ko lang na ganito hahantong ang pagalis niya sana may nagawa ako.

Love the Life you Live, Live the Life you LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon