LTLYL 2

322 13 12
                                    

Pampanga

Kulang nalang malaglag ang puso ko sa pagkalabog nito, alam ko sa mga oras na ito dapat na akong bumaba sa hagdan na sana ilang hakbang nalang makakaligtas na ako. "Lord ang bilis naman po ng parusa, sana nadelay nalang kahit ilang oras" napapikit kong usal.

"Mano po Tay" namiss ko si Tatay pero ngayon ay hindi oras para yakapin sya ng mahigpit at hingin ang mga pasalubong ko. Nakayuko kong kinuha ang kamay nya. Ilang segundo pa at hindi sya nagsasalita, ibig sabihin kailangan ko ng magpaliwanag.

"Tay sorry po, nagsimba lang kami ng mga kaibigan ko pagkatapos ay kumain. Di po namin namalayan ang oras. Sorry po talaga, atsaka medyo hindi kami nagkaintindihan ni Mama kanina. Gusto po nyang kumuha ako ng nursing Tay, ang totoo po nyan may iba akong gusto. Hindi ko naman po gustong maoffend si Mama kaya nagkulong nalang po ako sa kwarto, di na rin po ako nagpaalam kasi po wala siya sa bahay kanina." Grabe ang haba na ng sinabi ko wala pa rin syang sagot, mula sa pagkakayuko nilingon ko sya, blangko pa rin ang ekspresyon ng mukha nya. Magsasalita na sana ako ng bigla syang nagtanong. 

"Ano bang gusto mong kunin na kurso?" kalmadong tanong  niya.

"Architecture po" mahina kong tugon.

"Pero anak, panglalaki ang kurso na gusto mo, mahihirapan ka sa field lalo pa at mga lalaki ang kakompetensya mo. Bagay sa iyo nurse o kaya kung gusto mo magdoctor kana anak kahit matagal pa yan anak pagiipunan namin ng Tatay mo" Paliwanag ng Mama ko na ngayon ko lang napansin na nasa sala rin ito naghihintay marahil sa akin.

"Sigurado ka ba sa gusto?" tanong ni Tatay. Tiningnan ko sya at ganun pa rin wala akong mabasang ekspresyon sa kanyang mukha, si Mama naman parang hindi masaya sa tanong ni Tatay. Bigla kong naalala ang Gospel kanina. "honor your parents" bigla akong nakonsensya at nahiya sa sarili

"Pero kung magiging masaya kayo na magdoctor ako Ma, sige po kukuha po ako ng entrance exam sa monday. Sorry po kung sinusuway ko kayo. Sinusubukan ko lang po, akala ko po papayag kayo. Sorry rin Tay.

"Pumasok kana at matulog" hindi ko na napigilan ang mga luha na kanina pa nagbabadyang tumulo at tinakbo ko na ang kwarto, sinarado ang pinto at humiga na sa kama. Akala ko kakampihan ako ni Tatay, akala ko maiintindihan nya ko. Buburahin ko na sa isipan ko ang blueprints, T square, triangle, protactor, sketch pad at kung anu ano pa. Simula ngayon magiging puti na ang dapat nakikita ko, scalpel at stetoscope na hahawakan ko. Sa kaiiyak ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako na parang ang bigat bigat ng ulo ko, namamaga rin ang mata ko, di pa pala ako nakapagbihis mula kagabi suot ko pa rin ang skinny jeans at t-shirt ko nga may doodle art na print. Monday ngayon balak ko sanang pumunta sa Cebu Doctors University para maginquire sa entrance exam kaso namamaga pa mata ko. Bukas nalang siguro maiintindihan naman ni Mama yon tutal naman pumayag na ako sa gusto niya.

Ayaw ko pa sanang bumangon kaya lang kailangan ko ng maghilamos at magtoothbrush. Palabas na ako ng kwarto ng mahagip ng paningin ko ang isang bagay na nakabalot pa at may ribbon. Naasabik ako bigla nang mapagtantong isa itong regalo. May nakalagay pa itong note:

To my Baby Girl

-Tatay

Love the Life you Live, Live the Life you LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon