LTLYL 12

146 10 5
                                    

Just live

"I'm worried about her, she seems different" May naririnig akong boses lalake sa paligid, mahina lang iyon parang nagiingat na hindi makagawa ng ingay.

"I know Lex, the incident took it's toll on her. She's too young for this" Bakas sa boses niya ang pagod at lungkot, nandito si Ate.

Gusto kong bumangon sa pagkakahiga pero ramdang kong hinang hina pa ako. Ididilat ko sana ang mata ko pero parang may pwersang nilalamon ako para bumalik sa pagkakatulog. Hanggang sa hindi ko na naaninag ang usapan nilat tuluyan na akokng nahimbing.

Nagising nalang ako dahil sa pagsilaw sa liwanag, umaga na pala. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, parang nananakit na ang likod ko siguro dahil iyon sa pagkakahiga. Sinanay ko muna ang mata ko sa liwanag hanggang sa makita ko ang kabuuan ng silid.

"I'm glad you're awake" Nabungaran ko ang mukha niya na parang masayang masaya na nakita ako.

linibot ko ang paningin ko sa puting kwarto, unti unting nagiging malinaw ang lahat, puting kwarto, amoy gamot, may nakatusok din na swero sa kamay ko. Nagsimula ng manginig ang buong katawan ko. Bigla nagflashback yung mukha ng Tatay na habol habol ang hininga. Nataranta ako bigla, hindi pwede to, ayoko ng ganito, ayoko dito.

"Uuwi na ako!" Sabay bunot sa IV, nakita ko pa ang pagdugo nito pero wala akong pakialam ang mahalaga makalabas ako dito.

"Hey! Calm down, I'll call the doctor." Pinipigilan pa niya ko. Kahit hinang hina ako ay sinusubukan ko pa rin itulak siya.

"Please, ayoko dito!" Pati boses ko ay nanginginig na. Yumakap pa siya para mapakalma, may pinindut pa siya sa pader. Nagwawala na ako, tulak at kung ano-ano pa ang ginawa ko para makawala sa kanya.

Mabilis na pumasok ang isang doctor at nurse, hawak pa rin ako ni Alex may naramdaman akong may itinurok sila sa balikat ko. Unti unting nawawala ang paghingal ko, pati ang pagtulak ko kanina ay nagiging nahina na rin, hanggang sa parang nalalasing na ako.

"Shhh. calm down, sleep now Belle." Yun lang ang huli kong narinig hanggang sa makatulog ako ulit.

Ilang araw na ba akong natutulog? Ilang araw na rin ba ako dito sa lugar na ito? Wala pa akong nakakausap na matino mula ng dalhin ako dito matapos kong himatayin sa taas ng lagnat. Nilalagnat pa rin ako hanggang ngayon, hindi ko inaasahan tatablan ako ng sakit, maayos naman ako, siguro nabigla lang katawan ko sa pagising ng maaga, hindi kasi talaga ako early riser. Nakasanayan kong gumising nalang isang oras bago pumasok o kaya naman sa mga lakad. Maggagabi  na ngayon at himalang wala akong kasama. May nurse na pumasok at inihanda ang pagkain, tinanggihan ko siya dahil wala pa akong gana. Ayoko rin kumain, gusto kong uminom ng kape.

Love the Life you Live, Live the Life you LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon