LTLYL 15

140 8 8
                                    

Chocolate

"Sinong M.A?" Tanong pa ni Alex, narinig pa yata yung bulong ko.

 "Ah wala iyon, may naalala lang ako" pag-iiwas kong sagot sa kanya.

 Nagpatuloy ako sa pag-aaral, kailangan kong magconcentrate muna dito, mamaya ko na isipin ang ibat-ibang mga bagay.

 Tumulong pa siya sa iba pang mga subjects. Naisip ko tuloy, baka hindi naman siya Aeronautical Engineer, baka Architecture talaga siya. Nakakabilib kasi ang mga paraan niya, may mga suggestions pa siya kung paano ko maabsorb ang mga lessons kaagad.

"What do you usually do when you're studying?" Maya maya'y tanong niya.

"Nagbabasa, nagtatake ng notes sa mga importanting details." Sagot ko na hindi man lang lumilingon sa kanya dahil nakatingin pa ako sa binabasa kong libro.

"You should have a study habit" Suggestion pa niya. 

"May ganoon ba?" Takang tanong ko.

"Yup, so you won't feel the pressure." Tango-tango pa siya tumingin sa gawi ko.

"Huwag mo naman ako laging ini-english, nakakanosebleed na." Biro ko pa sa kanya, marunong naman ako ng ganoon kaya lang napapansin ko mas madalas sa kanya. Para ngang mag madalas pa niyang gamitin yon kesa sa sariling langguage natin."Ganyan ka rin bang makipagusap sa shop?" Dagdah na tanong ko.

"Si Bart, ang Ate mo at ang Father mo ang madalas kong kausap. Pasensya kana, nasanay lang ako sa father ko." Hingi niyang pahumanhin.

"Bakit foreigner ba ang father mo?" Biro ko pa sa kanya.

Tumango naman siya, napakunot ako ng noo lalo.

"Seryoso?" Pagkukompirma kong tanong. Tumango pa siya ulit.

Wala kasi akong makitang ibang features sa kanyang mukha maliban sa pagiging Pilipino niya.

"Anong nationality ng father mo?" Nacurious na ako tungkol sa lahi niya.

"Chinese." Tipid niyang sagot.

Pinagmasdan ko siyang maigi mula sa  medyo magulong itim na buhok. Ang mga kilay niya ay maganda ang pagkakaporma na nagbibigay ng masungit na aura. Mga matang malalalim na may makapal na pilik mata. Kulay dark brown ang mga bilog ng mga mata. Napadako ang paningin ko sa kanyang panga, lalaking lalaki ang dating. Ang panghuli kong pinagmasdan ay ang kanyang mga labi na natural ang pula na parang gumagamit ng lip balm dahil hindi dry tulad ng iba.

Ang mga labing kanina ay nakatikom lang ngayo'y may nakakalokong ngiti. Narinig ko ang pagtikhim niya para mapukaw ang pansin ko. 

Namula ako, mukhang napatagal ang pagtitig ko sa kanya. Binaling ko ang paningin sa kabilang banda para maitago ang pagkakapahiya.

Love the Life you Live, Live the Life you LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon