Author's Note: This story is based on the lyrics of song "One Of The Boys" by Katy Perry. Mas maganda kung pakikinggan niyo ang kanta habang binabasa niyo ito. Ito nga pala ang holiday gift ko sa lahat ng Watty people!
________________
What was the craziest thing you did for love? Ako, kahit cliche pakinggan, nagbago ng image. Naging successful ba? Let me tell you the story.
Bata pa lang ako, kakilala ko na si Andrew. Kaibigan siya ng kakambal ko na si Kristofer. Matangkad, gwapo at magaling siyang mag-basketball kaya superdupermegahyper crush ko siya. I always dream of becoming his girlfriend noong bata pa lang ako. Kaso may problema. Ang tingin niya sa'kin ay kaibigan, katropa and worse, kapatid.
So para mas mapalapit pa ako sa kanya, lahat ng mga interest niya sinubukan ko rin. Nang nag-enroll siya sa guitar lessons nung Grade 4 kami, nag-enroll rin ako even though my mom was totally against it because she wanted me to take up ballet lessons. Nang nagkaroon sila ng family camping noon sa Mt. Banahaw, sumama ako kahit na si Kristofer lang ang niyaya ng parents ni Andrew. Sumama ako kahit na alam kong maraming insekto sa paligid na sobrang kinatatakutan ko. I also joined the basketball team noong first year para lang makasama ko siya sa training camp sa Baguio. I did everything para mapalapit ako sa kanya. Kahit pagsama sa tropa nila at pagsuot ng mga boyish clothes, ginawa ko just to be close to him.
And it was a big mistake. Dahil sa mga pinagagagawa ko, napagkamalan akong tomboy ng ibang tao. They were looking at me as one of the boys. Pati si Andrew. Kaya siguro, hanggang tropa lang ang tingin niya sa'kin. For him, I was just one of the guys.
Kaya nag-try ako ng ibang approach. Napag-isip-isip ko, Andrew was not noticing me because I was just a friend to him. Maybe, kung mag-iiba ang tingin niya sa'kin, he'll look at me differently. So I decided to have a makeover.
I never paid attention sa hitsura ko noon. Sa tuwing pumapasok ako sa school, hindi ko kasingbongga pumorma ang mga queens (ang mga pretty girls ng school). Wala akong maaarteng accessories pwera sa baller na bigay sa'kin ni Andrew. Hindi rin ako mahilig mag-make-up but I knew that the only way for Andrew to notice me is to become the most beautiful woman he ever saw.
Kaya pinag-aralan ko kung paano maging mas babae sa pananamit at kilos. My mother would be glad to help me do this makeover. Sobrang nagtatampo siya sa'kin na lumalaki raw na lalaki ang kanyang unica hija. Gusto ko sanang manghingi ng tulong sa kanya pero gusto ko rin siyang surpresahin kaya hindi na lang ako nagpatulong. I did it on my own in a single Sunday. Kung anu-anong websites at magazines ang pinagbababasa ko. Total Girl, Chalk, Seventeen, name it, I have read it. Sinunod ko lahat ng mga tips na offered sa mga columns nila. Nag-ahit ako ng kilay at buhok sa legs. Pumunta ako sa salon para para magpa-facial, manicure at pedicure. Bagong experience 'yon para sa'kin that I dreaded before pero nalaman kong nakaka-enjoy naman pala. Then, I got my hair done. Nag-shopping din ako ng bagong damit para ma-refresh ang wardrobe ko. Bumili rin ako ng bagong sapatos at accessories na pwede kong gamitin sa school. Medyo malaki ang nagastos ko pero nung nalaman ni Mama kung bakit lumaki ang credit card expenses ko, natuwa pa siya imbes na magalit sa'kin. Nag-aral din ako na maglakad ng mas feminine. At higit sa lahat, pinag-aralan ko lang kung paano mag-make-up. Ugh! It was a pain-staking job but it's worth it. Kahit ako, hindi ko nakilala ang sarili.
Nang pumasok ako kinabukasan, hindi ako sumabay ako sa kapatid ko. Si Mama ang unang nakapansin sa'kin. She was so happy to see me. Mas mukha kasi akong babae daw e. Medyo ine-expect ko na magiging ganoon ang reaksyon ni Mama but I was not expecting how the whole school would react. Sa gate pa lang ng school, pinagtitinginan na ako ng mga kasabay kong pumasok. Hindi nila ako siguro nakikilala o kaya nainibago lang sila sa'kin. Pati si Kuya Mario, 'yung security guard, hindi ako nakilala. Pabalik-balik ang tingin niya sa ID ko at sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Barbero (A Collection of Short Stories)
Teen FictionIba't ibang mga kwento ng pag-ibig, katatawanan, kababalaghan at inspirasyon. Tumatanggap po ako ng suggestions para sa mga susunod na kwento. Maraming salamat at enjoyin niyo ang pagbabasa ng mga kwentong barbero.