Sobrang nadurog ang puso ko nang makita ko si Natalie. I have seen her in her best and in her worst but she was just worse than her worst today.
Galing kami sa debut party ng ate niya, si Ate Nicole, sa Bonito's. Masaya ang lahat na invited sa party. Maliban kay Natalie. Well, masaya rin ang mood niya dahil debut 'yon ng ate niya. Pero nagbago 'yon nang pumunta si James sa stage and broke the news of the night.
Pagkatapos magbigay ang parents at si Natalie ng messages kay Ate Nicole, biglang lumapit si James sa emcee ng event. Isa sa mga kababata namin si James. Mas matanda siya sa amin ni Natalie ng isang taon pero mas bata siya ng isang taon kay Ate Nicole. Close kaming apat sa isa't isa dahil ang mga magulang namin ay sobrang close din.
Bumulong si James sa emcee. Tumango 'yung emcee nang tila nagkaroon na sila ng agreement. Inabot ng emcee kay James ang mike tapos naglakad ang kaibigan ko paakyat sa stage kung nasaan si Ate Nicole at ang kanyang pamilya. Nararamdaman ko na ang sasabihin niya kaya bigla akong nag-alala para kay Natalie. I knew James' announcement would devastate her.
"Ehem, can I say something to the debutant and to her parents?" sabi niya. Agad akong napatingin kay Natalie. I saw an unreadable expression on her face. Hindi ko alam kung lito, gulat o lungkot iyon.
"Tito Arnulfo, Tita Claire, may hihingin lang po sana ako sa inyo," dugtong ni James. "Since now that Nicole is already of legal age, I want to ask permission to court your daughter. If that is alright with you."
The other four people on the stage had different kinds of surprised looks on their faces. Nicole was surprised in a happy way. Sina Tito Arnulfo at Tita Claire naman ay pirmeng gulat habang si Natalie naman ay may halong lungkot ang pagkagulat. No, it was not just sadness. She was devastated.
Noong bata pa lang kami, alam ko nang may gusto si Natalie kay James. Pero simula pa lang noon, kapatid lang ang turing sa kanya ni James dahil mas gusto ni James si Ate Nicole. Hindi matanggap ni Natalie iyon kaya ginawa niya ang lahat para mapansin siya ni James. Ngunit parang si Ate Nicole lang talaga ang nilalaman ng puso ni James.
From where I was sitting, I could see Natalie mouthing the word "no" repeatedly. Dinadasal niya siguro na iyon ang sabihin ng parents niya. She was clenching her hands so tight her knuckles were already white. Alam kong sobrang masasaktan si Natalie kapag pumayag ang kanyang mga magulang. Kaya tumayo ako para pumunta sa harap upang alalayan si Natalie kung sakaling hindi niya matanggap ang mangayayari. Hindi naman gaanong kalakihan ang venue but with all the people and tables and chairs blocking my way, I had a hard time reaching the stage. Kaya bago pa ako makalapit, sumagot na si Tita Claire.
"James, I know the truth. So does your Tito," sabi niya. "We already knew of your secret relationship with Nicole. Medyo disappointed kami sa inyo pero we know that you are happy with each other. Kaya pinapayagan na namin kayo."
The other four people on the stage had different reactions sa sinabi ni Tita Claire. Understanding si Tito Arnulfo while Nicole and James were gleaming with happiness. Kita sa mga mata nila ang saya na kabaligtaran naman ng makikita sa mata ni Natalie. Nangingilid ang mga luha sa mga mata niya. Pero alam kong hindi siya papayag na makita ng kahit na sino na umiiyak siya.
Lumapit si Ate Nicole sa parents niya at niyakap niya ang mga ito. 'Yung na ang moment nang nakarating ako sa stage. I was going to approach Natalie to ask her if she's fine but to my surprise, she hugged Nicole after her sister was done hugging and thanking their parents. Kahit si Ate Nicole ay gulat din. Alam rin kasi ni Ate Nicole na may gusto si Natalie kay James. Pagkatapos nilang magyakapan, narinig kong nagsalita si Natalie sa ate niya. "I'm so happy for you, Ate," sabi niya, pinipigil ang pagtulo ng mga luha niya. Pero agad siyang lumayo sa ate niya at bumaba sa stage.
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Barbero (A Collection of Short Stories)
Teen FictionIba't ibang mga kwento ng pag-ibig, katatawanan, kababalaghan at inspirasyon. Tumatanggap po ako ng suggestions para sa mga susunod na kwento. Maraming salamat at enjoyin niyo ang pagbabasa ng mga kwentong barbero.