Nagkakilala kame ni Josh sa facebook, friends sila ng ex boyfriend ko.That time puro ako post ng sad qoutes sa fb kase naghiwalay kame ng ex ko tapos si Josh nagcocomment sa mga post ko
Hindi ko pa sya kilala noon tapos hindi niya gamit real name niya sa fb kaya inistalk ko sya, wala akong napala sa pagstalk kase wala syang picture puro anime.
I just ignored it. One day nagmessage siya sakin, tinanong ko kung kilala niya ako sabi nya
"oo kilala kita ex boyfriend mo si Jasper diba? kaklase ko siya nung HS bat kayo naghiwalay? Ako nga pala si Josh"
at dun nagstart yung conversation namin magkachat at magkatawagan kame cool ang paguusap namin banat dito banat doon, corny jokes, kwentuhan tungkol sa mga past ganern. Hanggang nagkaroon ulit kame ng chance ni ex na magkita at mag usap at nakwento ko sakanya na nakakausap at naging friend ko si Josh, tinanong ako ng ex ko kung nagkakagusto na ba ko kay Josh kase siya lang daw naoopen kong topic nung magkasama kame edi sabi ko
"hindi nakwento ko lang sayo kase ang liit ng mundo".
Wala pa kong nararamdaman noon kay josh kase alam ko mahal ko pa yung ex ko. Nagpatuloy ng isang taon ang conversation namin ni Josh hanggang dumating yung araw na nagpunta sya sa bahay nagulay ako kase nagmessage sya sakin na nasa harap sya ng bahay namin pag tingin ko sa labas may lalaki bigla akong kinabahan.
Nilapitan ko sya tapos nakipag shakehands sya sakin nagpakilala sya na sya si Josh so ayun naging formal na kameng magkaibigan at nagpatuloy ang conversation namin, lumalabas kame kain sa labas kasama ang friend nya, my time din na lalabas kaming dalawa pasyal sa mall manood ng sine ganern tapos yung araw na lumabas kami at nakauwi na nagmessage sya sakin
"so pano yan next level na ba tayo?"
hindi ko alam noon ang nararamdaman ko Confused siguro ako? Kaya reply ko sknya "NO" pero still magkaibigan padin kame. Nalaman yun ng ex ko tumawag sakin at sabing "pls wag mong jowain si Josh kaibigan ko yun".
Sobrang hindi ko maintindihan nararamdaman ko noon hindi ko sigurado kong my feelings na ba ako kay Josh or may feelings pa rin ba ako sa ex ko. Tapos nabalitaan ko na yung ex ko andame nyang pinagsasabi tungkol sakin na ako daw ang naghahabol kay Josh which is nasaktan yung ego ko eh wala namang ganung scenario, ngayon kwinento ko yun kay Josh at sabi nya
"bakit ka naman nya sinisiraan wait at ichachat ko sya"
pagkalipas ng ilang minuto nagsend ng screenshot ng convo nila ng ex ko na ang sabi "bro may sasabihin ako sayo, nililigawan ko exgf mo".
Natouch ako sa ginawa ni Josh sakin dun na din nagstart yung "pagpapanggap" na panliligaw nya.
Naappreciate ko sya at dun ko na din napagtanto sa sarili ko na gusto ko na sya. Naging maayos pa rin yung friendship naming dalawa hindi ko alam kung may nararamdaman ba sya sakin, dahil ako hindi ko sinabi sakanya na may feelings na ko sakaya.
Hindi kami madalas magkausap kase sa malayo ako nagaaral, sya graduate na at nagrereview para sa board exam nya. naramdaman ko na ayus pala yung matured na tao kase kahit malayo at hindi madalas magkita OKAY lang hindi nakakasakal at una sa lahat hindi naman ako nag eexpect noon syempre kinailangan ko ding controlin yung nararamdaman ko para hindi madehado.
~*~
Malapit na pasko nung tinawagan niya ko at inayang uminom sa labas I refused kase trinatangkaso ako noon.