Hindi ko naabutan ang laro. Naglalabasan na ang mga estudyante noong dumating ako sa basketball court. Inayos ko ang unipormeng bahagyang nagusot sa maghapong klase, habang naglalakad nang tuwid.
Sinubukan kong makaabot ngayon pero tila pinaglaruan ako ng tadhana. Wala na naman akong napanood. Sabagay, hindi naman iyon ang ipinunta ko rito talaga.
Kahit tapos na ang laro, may iilang estudyante na tinitili pa rin ang pangalan ng player na ipinunta nila rito. Last week kumalat ang balita na lalaro ngayon sa Chowden ang player ng ibang school. Hindi na nakakapagtaka na maraming nanood ngayon.
Paano, balita at sabi-sabi na gwapo raw ang mga players ng Aelius, student-athletes from Summerfield University. Hindi naman ako naniwala na gwapo dahil hindi ko pa naman nakikita.
Pinaskil ko ang ngiti sa aking labi habang papasok sa court. Even the players are already leaving. Naabutan pa ng mata ko ang mga lalaking nakasuot ng kulay green na jersey, palabas na at ginamit ang emergency exit ng court. Matatangkad ang mga iyon pero hindi ako nagkaroon ng pakialam. Para kasi sa akin ay mas gwapo ang lalaking dahilan ng pagpunta ko rito ngayon.
"Jian!" I called his name when I found him sitting on the bench, holding a battle of water habang pinupunasan ang pawis sa mukha gamit ang mismong jersey.
Inangat niya ang paningin sa akin, hindi na nagulat pa sa pagdating ko. Halos mapaatras ako matapos makita ang klase ng tingin na binabato niya. Parang galit na naman siya at isang nakakairitang salita lang, makakatanggap na naman ako ng maanghang na salita. Pinilit ko pa rin ngumiti.
"Ano na naman ang ginagawa mo rito?"
In-expect ko na na ganoon ang una niyang itatanong. "Gusto lang kitang makausap, babe," nasa tono ko ang panunuyo.
Marahas siyang tumayo dahilan para maging awtomatiko naman ang pag-atras ko. Mas matangkad siya sa akin ng bahagya, probably because he is way older than me.
"Talo kami, Pumpkin. Naiinis ako dahil ininsulto ako ni Santivañez. Minaliit niya ang laro ko kaya umalis ka muna sa harapan ko kung ayaw mong masaktan," aniya sa tonong pagalit pero nagpipigil.
Nahihirapan akong lumunok. "Last week pa kita gustong makausap, Jian. Parati mo na lang akong tinataboy. Ano ba ang problema mo? May nagawa na naman ba ako para ganituhin mo ngayon?" ma-drama kong sinabi.
Pakiramdam ko nanlalamig na siya sa akin. Hindi naman ganito last three months. Nitong nakaraang linggo ay parang ako na lang ang laging may kasalanan tuwing hindi maganda ang review sa laro niya. Hindi na rin niya ako kinakausap nang maayos nitong mga nakaraang araw.
Sinusubukan kong kuhanin ang kahit kaonting oras niya pero para bang napaka-hirap para sa kaniya na paglaanan ako kahit limang minuto man lang. Nagtataka na ako sa inaasal niya. Naiisip kong nanlalamig dahil may iba na. Baka pinalitan na ako.
Matalim niya akong tiningnan at marahas na hinawi paalis sa kanyang harapan. Tumama ang paningin ko sa bubong ng court, gulat sa biglaan niyang pagiging bayolente. At the same time, hindi inasahan na gagawin niya iyon sa akin. Verbally lang siya kung saktan ako but now seemed to be different.
"I want us to stop now. Nawalan na ako ng gana sa 'yo at naiirita ako sa pagiging malandi mo. Kung sino-sinong lalaki ang nakikita kong sinasamahan mo kahit may boyfriend ka na. Nananahimik lang ako, Pumpkin. Nananahimik ako pero alam ko mga kalokohan mo sa likod ko."
Hindi makapaniwalang sinundan ko siya ng tingin. Kung may pinaka-malalang insulto akong natanggap mula sa kaniya, ito na 'yon. Ang lakas naman ng loob niya na sabihan akong malandi.
And excuse me, ni hindi ko nga kinakausap ang mga lalaki kong kaklase kaya paano naman niya nasabi na kung sino-sino ang sinasamahan ko? Seryoso ba siya? Napaka sinungaling niya!
"Hindi totoo 'yan. Hindi ako malandi at mas lalong wala akong ginagawang mali sa likuran mo, Jian. Nitong mga nakaraan ay inaayos ko ang pag-aaral ko dahil pinagalitan ako ng teacher namin. Wala akong ginagawang mali-"
"Don't lie anymore, please, Pumpkin. Hindi ako bulag. You know what? This must be the right time to end our relationship. Matagal ko na itong gustong gawin, pinanghihinaan lang ng loob," wala siyang pakialam sa mga salitang binitiwan. Hindi niya man lang naisip ang maaari kong maramdaman doon. "Let's break-up."
Mainit na luha ang nahulog sa pisngi ko. Wala akong oras na linisin iyon dahil gulat pa rin sa biglaang hiwalayan na sinabi ni Jian. Sa almost four months sa relasyon naming dalawa, nasanay ako sa presensya niya. Masyadong maiksi ang panahon na iyon para masabi kong mahal ko na siya pero alam kong may nararamdaman ako para sa kaniya.
Hindi ko inasahang gugustuhin niyang tapusin na ang lahat ngayon. Masyadong mabilis ang pangyayari. Umaasa ako na badtrip lang siya kaya nasasabi ang mga ito ngayon. Labag sa loob niya ang break-up na hinihingi niya sa akin.
"Huwag, Jian. Mali ang iniisip mo. Makinig ka muna sa explanation ko." Humabol ako sa kaniya pero masyadong mahaba ang binti niya para maabutan ko ang kanyang layo mula sa akin. "Jian, ano ba! Hindi ako pumapayag. Hindi tayo maghihiwalay!" Patuloy na umaagos ang luha ko. Kumikirot ang dibdib ko. Ayaw kong maghiwalay kaming dalawa.
Hindi ko napansin na hindi lang pala kami ang taong naroon pa sa court. Kinuha ni Jian ang sport bag na parating dinadala sa practice game at walang pasabi na umalis. Ang mga teammates niya ay naiwang tulala, mukhang nanonood sa eksena naming dalawa.
Nakakahiya na makita nila ako pero hindi naman sila importante. Pagkatapos nito ay hinding-hindi na nila ako makikita pa.
"Jian, please. Hindi tayo maghihiwalay, ano ka ba!" Sinubukan ko pang sundan siya ngunit isang mainit na palad ang nagpahinto sa akin. Hinila ako pabalik.
Binawi ko ang kamay ko pero hindi niya ako binitawan. Imbes ay lalong humigpit ang kapit niya sa pulsuhan ko. Nang nag-angat nang tingin, puno pa ng luha ang mukha, halos mapaatras ako. Puting panyo ang inabot niya sa akin habang seryoso ang tingin sa mukha ko. Lalo lamang bumuhos ang luha sa aking pisngi.
Hindi ako nakakilos sa sumunod. Hindi ko tinanggap ang panyong inaabot niya kaya laking gulat ko noong siya mismo ang pilit na tumutuyo sa mga luha ko.
He sighed. "Don't run after him. You're a lady, not his dog. He is not good at playing basketball and he must quit the team for humiliating you. He will be no use in our team." I don't know if he was just trying to make me feel light or it's true that Jian is not good.
Tumitig ako sa mukha ng lalaking hindi ko kilala. Unti-unti ay lumapag sa suot niyang jersey ang paningin ko. Pero lalo akong naiyak noong mahanap ng mata ko ang lalaking nakatayo sa gilid, busy sa cellphone at natatawa.
Sa dami ng tao, bakit crush ko pa ang kailangan makakita na umiiyak at hiniwalayan ako ng lalaki? At ang mas malala, hinabol ko pa si Jian! Nakakahiya kay Salatiel ng sobra!
BINABASA MO ANG
Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)
RomanceALIMENTATION SERIES #1 Pumpkin was never the typical student who puts her study first before anything else. She was not dedicated to live her life with ambitions. She doesn't even know how to dream, because for her, there is no need to have one when...