Chapter 18

472 26 3
                                    

"Sasabay ka ba sa amin?" Tinanong ko si Dina habang palabas kami ng mall.

Dumaan kami sa bookstore para bumili ng material para sa project. Sina Isia at Carl lang sana pero dahil dakilang epal si Alvie, nakita ko na lang ang sarili na naglalakad sa mall kasama silang apat.

Wala namang ibang grumupo sa amin maliban kay Dina na transferee. Ayos lang din na lima lang kami para hindi masyadong mahirap. Minsan kasi ay mas nakaka-stress ang groupmates kaysa sa mismong project.

Mahiyain si Dina, hindi ko sure kung dahil ba bago pa lang namin siyang kilala o ganoon talaga ang kaniyang personality. Overall, maganda siya. Bumagay sa maliit niyang mukha ang maikling buhok na itim na itim. Tahimik din siya at hindi nagsasalita hangga't hindi kinakausap.

"If it's okay with you." Bakas sa mukha ang hiya nang isa-isa niyang sinulyapan ang mga kasama, kami.

"Siyempre, ayos lang. Mas masaya kung sasabay ka sa amin para alam naming safe ka." Inakbayan siya ni Alvie. "Sabay ka na sa amin. Kakain pati kami sa Mcdonald. Libre ni Isia. Tama ba?" At malawak na ngumiti kay Isia.

Umirap naman ito sa kaniya. "Mukha kang libre, Alvie. You're kuripot na lang lagi."

Napabuntong hininga ako. Totoo naman iyon. Ngayon nga ay si Isia na rin ang gumastos sa materials na kailangan namin. Hindi naman kasi nagpatalo ang anak ni Satanas. Inaya niya si Isia ng one versus one sa mobile legends, gumawa ng rule na kapag natalo niya ito siya ang gagastos. Natalo si Isia dahil pumayag naman na makipaglaban sa mautak na si Alvie.

"Kailangan magtipid, 'te!"

Nag-text si Geometry. Tiningnan ko ang cellphone habang nakapila na kami sa McDo. Naiwan siya sa school, hindi pinayagan ni Salatiel na umalis dahil kailangan magbabad sa practice. Malapit na kasi ang interhigh. Nagpupursigi sila para manalo. Naniniwala naman ako na kaya nila.

Magaling si itlog maglaro ng basketball, ilang beses ko nang nakita. Minsan nga ay napapaisip ako tuwing nanonood kung normal lang ba na maging ganoon siya kagaling. Mataas siyang tumalon at talagang naaabot ang ring. Minsan lumalambitin pa nga kapag naidakdak ang bola.

Geometry:

Sorry I wasn't able to join.

Nagtipa ako ng reply kahit nasa pila. Sa likod ko nakatayo si Dina, nasa harapan si Alvie. Magkasunod sina Carl at Isia.

Ako:

Ayos lang. Kumusta practice? Hindi pa ba kayo tapos?

Inaya akong lumabas ni Ashton last day pero ayaw ni Isia. Nakita na niya yesterday and she said na she doesn't like his aura. May itsura at mukhang matino but there is something in him na ayaw niya raw. Ewan ko ba, pero nakinig ako sa kaibigan ko. Hindi ako pumayag na lumabas kasama siya at nagdahilan na maraming gagawin.

Medyo crush ko naman siya ngunit may parte sa puso ko na ayaw pang i-prioritize ang bagay na hindi pa naman talaga dapat. Landi-landi muna pero habang nasa junior high school pa lang, ayaw ko muna ng commitment.

Geometry:

It was fine. Done already but Kuya Adyel told me to stay for awhile. What are you guys doing now?

"Feeling ko mas masarap sa Jollibee," nakanguso si Alvie nang mahinang nagsalita. "Feeling ko lang naman."

"Are you bobo?" Nagtaas ako nang kilay habang bumubuo ng sagot para kay itlog. "Ikaw ang nag-aya rito sa mcdo, punyeta ka ba?"

Humalakhak siya at tinulak ang mukha ko. Gusto ko sanang kalmutin sa eyelid pero busy ako. Sandali ko siyang sinamaan ng tingin bago inirapan.

"Galit agad? Joke lang naman. Hindi ka na ba talaga puwedeng biruin? Mga matatalino talaga." Sabay iling-iling na para bang nasisiraan ng ulo.

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon