Chapter 16

478 28 3
                                    

"Masakit na ang ulo ko," sabi ko habang minamasahe ang aking sentido. "Kumikirot na rin ang utak ko."

Ka-grupo namin siya sa isang report na ipe-present bukas. English ang subject. Siya ang gumagawa ng powerpoint sa laptop habang ako naman ang nagsusulat sa papel ng ita-type niya. Tinuturuan ko rin kung anong style ang gagawin. Gumagawa si Carl ng sariling copy habang si Isia ang naka-assign sa pag-gawa ng activity.

Buong topic ang ire-report namin kaya kami rin ang responsible sa mga activity na ipagagawa sa aming mga kaklase. Two weeks na namin ginagawa ang presentation na ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos. Masyadong mahaba ang topic na napunta sa amin.

"May utak ka?" Kumunot ang noo ni Alvie. Kunwari ay seryoso sa ginagawa. Pero huwag ka, nagpapanggap lang iyan.

Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin. "Ikaw wala."

Inalis niya ang paningin sa screen ng laptop para tingnan ako. Awtomatikong umikot ang mga mata ko sa hangin. Bahagyang hinahangin ang kaniyang malago at itim na itim na buhok. Mas mahaba iyon kumpara sa requirement ng school at iyon talaga ang reason kung bakit siya madalas napupuna ng mga teacher.

Kailangan na niya ng haircut, which is hindi naman niya ginagawa. Brown ang mga mata ni Alvie, kulay na bumagay sa matangos at maliit niyang ilong. Manipis ang labi na sa tuwing kinakagat niya ay mabilis pumupula. Guwapo siya at iyon talaga ang dahilan kung bakit ko siya pinag-tripan last month. Gusto kong magpapansin and eventually, naging close rin naman kami.

Paano ko hindi magiging close, e, may sa-hudas ang taong ito? Saka siya rin ang may gusto na maging friends kami, ano! Ayaw niya raw sa iba naming kaklase dahil feeling niya hindi siya makakasabay sa mga trip nila.

Humalakhak si Alvie, labas gilagid. "Lah, ang real talk naman. Wala akong dapat itanggi, Pumpkin."

Binaba ko ang paningin sa bagong papel. Gumawa siya ng panibagong slide. Hinihilot ko na ang noo ko dahil masakit talaga. Na-pwersa yata ang utak ko sa pag-aaral ng mabuti.

"Tapusin na natin para makauwi na tayo," sinabi ko.

"Dadaan daw si fafa Geometry rito after his practice," ani Carl.

Napatingin ako sa kaniya, namimilog na agad ang mata. "True ba?" Tumango si Carl. "Magdadala ba siya ng pagkain?"

Tila naman nag-init kaagad ang ulo ni Carl. Dapat nga sanay na siya sa tanong na iyon dahil parati namang lumalabas sa bibig ko tuwing nalalaman na darating si itlog. Supplier iyon ng pagkain.

"Mukha kang pagkain," aniya sa nandidilat na mga mata.

Nilapit ni Alvie ang mukha sa akin, nanunuri. Pinatong pa niya ang daliri sa baba para siguro mang-asar. "Oo nga, anteh. Pansin ko rin na mukha kang shanghai."

"Sira ang ulo mo!" At hinampas siya nang malakas sa balikat. "Tumahimik ka, hindi ka kausap." Kinuha ko ang cellphone sa gilid ng table para i-text na lang si itlog.

"Kasama niya probably si Marian," si Isia na nasa sariling laptop ang atensyon. Sa kanila na rin siya magp-print ng activity mamaya. Taray, 'di ba? Kapag talaga may sariling printer sa bahay, hayahay ang buhay. Kasi kahit mag-print ka pa ng photos ng crush mo, ayos lang.

"Sure 'yan," sagot ni Carl.

Sandali ko pang binasa ang binuong mensahe bago iyon ipadala sa numero ni itlog. Last text ko na yata ito. Ang bilis maubos ng load ko, kaimbyerna. Nakakairita naman kasi itong si Alvie, text nang text tuwing gabi. Crush niya yata ako. Char! Wild guess lang naman.

Ako:

Bili ka munang food before ka magpunta rito. No food, no pasok.

"Nag-message na ako para magdala siya ng food," iyon pa lang ang sinasabi ko ay nagtinginan na agad sina Carl at Isia sa akin. "Umangal sapak."

Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon