Malakas ang tawa naming tatlo habang pinapanood ang video ni itlog na sumasayaw sa stage. Kahit last year pa iyon, naroon pa rin ang katatawanan. Nagkaroon ng program at kasali siya sa mga nag-perform for entertainment. Grupo naman silang sumayaw pero focus ang camera ko sa kaniya kaya lahat ng nakakahiya niyang galaw ay nakuhanan ko.
Hiyang-hiya ang itlog noong pinapanood ko iyon sa kaniya. Nagdahilan na napilitan lang naman siyang sumali at walang sapat na practice kaya madalas nahuhuli o hindi naman kaya ay parang puno na ginagalaw ang sanga.
"He's coming," ani Isia kaya mabilis ko namang itinago ang camera sa loob ng bag na dala ko.
Hindi na namin pu-puwedeng pagtawanan ang video sa kaniyang harapan. Noong huling beses na ginawa namin iyon, hindi niya kami pinansin dahil napikon. Tahimik lang naman mainis at magalit si Geometry. Hindi siya nagsasalita at hindi lalo sasabihin na naiinis na siya.
Nararamdaman ko lang tuwing galit na siya sa pamamagitan ng pagiging over silent, uncooperative and unresponsive. Kapag tinanong at tumango lang o sumagot ng walang kabuhay-buhay, galit na 'yon. Very unlikely of me na kapag irritated, palaging nang-iirap.
"Hi, fafa Geometry!" Lumingkis kaagad si Carl sa kaniya dahil siyempre, linta of the year award goes to him ang ganap niya.
"Here are your requests." Inabot ni Geometry ang paper bag na dala niya. "I wasn't able to buy yours. Out of stock, according to the seller," si Isia ang kausap.
Ngumuso si Isia habang si Carl ay hinahalungkat na ang laman ng paper bag. Lumapit ako kay itlog para suriin ang kaniyang ulo. New haircut.
"Guwapo, a!" Sabay kiskis ko ng palad sa banda kung saan semi-kalbo na. May kakapalan ang sa itaas at sa ibaba naman ay kipis na kipis. Bagay ang ganoong haircut sa kaniya dahil soft features siya at natural na malalim ang mga mata.
Guwapo talaga ‘tong itlog na ito. Humble pa at napaka-nice na tao, kahit kanino. Kaya nga rin maraming nagkakagusto dahil sa pagiging approachable niyang tao. Para siyang luck in disguise.
"It's alright, Daddy Jo. Gonna buy myself na lang when I get back to South Korea."
Pinanliitan ko ng mata si Isia. "Kapag ba sa Korea bumili ng album, official?" masyado siyang na-a-adik doon sa mga Koreanong kumakanta at sumasayaw. Guwapo raw ang mga iyon at magaganda ang boses.
Kumislap ang kaniyang mga mata, natuwa dahil nagtanong ako. "Yes, girl. My father will go there next month and I had plan to sama. I wanna see my babies in person," tila pa siya maiiyak nang hinawakan ang mga kamay ko.
Awtomatiko akong ngumiwi. Hindi naman dahil nagpunta siya roon ay talagang makikita na niya ang mga idol niya. Tingin ba niya ay pakalat-kalat lang ang mga iyon sa kalsada? Mahihirapan siyang makita ang babies niya.
"Hardbound 'to, ah? Super mahal ba nito, fafa Geometry?" Hawak na ni Carl ang pinabili niyang Harry Potter book bundle.
Umiling si itlog. "Expensive but alright. Kuya Adyel was the one who picked that. I'm not really familiar with Harry Potter." Sabay tingin sa akin at nakakalokong ngumisi. "Thank God my cousin is a simp of Emma Watson."
Sinamaan ko siya nang tingin. Last year pa niya ako inaasar sa pinsan niya. Akala niya kasi ay crush ko talaga. Well, totoo naman pero ayaw ko ngang aminin. Nakakahiya kaya! Puro deny na lang ang ginagawa ko para hindi mapahiya kay pabebe boy.
Pero parang paniwalang paniwala na siyang crush ko talaga ang pinsan niya. Ayaw nang magpaawat, e. Minsan nga naiisip ko na lang na tadyakan siya sa noo nang manahimik na.
"Tumahimik ka ngang itlog ka, hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo." Binalingan ko si Isia. "Hindi ka naman papansinin ng mga idol mo."
"Babayaran ko na lang, fafa Geometry."
BINABASA MO ANG
Handkerchief of the Star (Alimentation Series #1)
RomanceALIMENTATION SERIES #1 Pumpkin was never the typical student who puts her study first before anything else. She was not dedicated to live her life with ambitions. She doesn't even know how to dream, because for her, there is no need to have one when...