CHAPTER 2

3 2 0
                                    

Isang araw kailangan ni mhel ng pera na gagamitin nya para sa kanilang project sa iskuwelahan kaya pag uwi nya nag pahinga lamang sya saglit at umakyat sa kwarto ng ama nya at doon nang hingi ng pera.

"Pa, may bibilin kaming project para sa iskuwelahan namin.."

"Mag kano bayun nak.."

"hindi ko po alam Pa, kung mag kano aabutin nun e.."

"ohh sige ito 100 balik mo nalang ang sukli pag may sobra pa.."

"thankyou pa.."

at pag bigay ng kanyang ama ng pero ay agad syang pumunta ng palengke at binili ang project na kakailanganin nya at ang pera na binigay ng kanyang ama ay sakto lamang doon sa project nila.

halos sa isang linggo ay tatlong beses sya kung mang hingi ng pera sa kanilang ama dahil laging may pinapagawa ang teacher nya.

kaya ng isang beses na humingi muli sya sa kanya ama ay nagalit na ang nanay nya.

"Ano bayan mhel ha, parang halos araw araw ka nalang humihingi sa papa mo ah.."

"Ma,kailangan po kasi namin sa school.."

"Kailangan oh ginagastos molang sa pag gagala mo, aba hindi lang ikaw ang anak ng papa mo kaya mag tipid tipid ka naman ang galit na sambit ng kanyang ina..."

wala syang nagawa kundi umakyat sa kwarto at nag talakbong ng kumot at doon ay umiyak sya ng para bang pigil na pigil kasi ayaw nya na marinig ng ina nya na umiiyak sya kasi alam nyang lalo lang ito magagalit sa kanya.

may mga araw na okey silang dalawa ng ina nya pero dumadating talaga sa araw na nagagalit ang nanay nya sa kanya lalo na pag ito ay galit.

laging sumasagi sa isip ni mhel na bakit palaging sya,bakit palaging sya ang pinag bubuntungan ng galit ng ina nya na alam naman nyang ang dami nilang mag kakapatid pero wala walang ibang pinapagalitan kundi sya lamang.

pero lagi nya lang sinasabi sa sarili nya na okey lang nanay ko yun at wala akong karapatan na sumagot sa kanya kasi anak lang ako.

BATTLES OF LIFEWhere stories live. Discover now