Chapter 5 Ang Simula

341 4 0
                                    

 Biglang bumukas ang pinto. , Bumulis ang tibok ng puso ko. Iniintay na may lumabas sa pinto.

Phew , si Tita Alma lang pala. Naka hinga ako ng malalim at napangiti na lamang. Oh tita? Ano pong meron? , 

Ah eh , May kaibigan ka doon sa labas at kanina ka pa inaantay. Ang nasa isip ko noon ay si Jerrick ngunit wala naman kaming klase ngayon. Tita , Sino po daw sila?

Ah , sarah daw ang kanyang pangalan eh,

Nanlaki ang Mata ko at  napaisip bigla na ano kaya ang Ginagawa ni Sarah dito?. Bumaba na lamang ako at pinuntahan si Sarah sa Gate. Pag bukas ko sa Gate eh bumungad kaagad saakin ang Damit ni Sarah na nakapang alis, 

Saan ka pupunta at parang ganda ng damit mo ngayon?

Dito Sainyo , Yayayain ka gumala.

Ayy , nako sarah pasensya na pero malapit na kasi Ang Finals at kailangan ko mag review para doon. 

Nalungkot ang mukas ni Sarah.  

Amm Sarah? , gusto mo mag review na lang tayo ng sabay sa Finals? Pumayag naman siya . So ayon review dito review doon. Nagtutulungan kaming dalawa ni Sarah , para naman kahit papaano eh maging mataas ang aming Marka.  

Mas lalong naging malapit saakin si Sarah . Nag kakaintindihan kami halos sa lahat ng bagay. 

Ang dami dami naming similarities narito yung Mahilig ako sa ganyan eh , mahilig din siya sa Ganoon. Talagang magkakasundo kami nito ni Sarah. Magaan ang loob ko sa kanya kahit na kakakilala ko pa lang sa kanya. 

Jill , pwede ikaw na lang lagi kong kasama ? , Natatakot kasi ako makipag usap sa iba , sayo lang talaga magaan ang loob ko.  

Pumayag naman ako at inalok ko siya na sumama na lang sa barkada namin.

Pero tinanggihan niya ito.

Hindi daw magaan ang loob niya sa ibang tao.

Nasaisip ko eh , siguro may masamang mga nang yari sa kanya kaya ganyan siya katakot sa ibang tao. Bibigyan ko muna siya ng time , at gagawa ng paraan para maki-socialize  sa mga kaibigan ko.

Naisip ko din kung hindi ko siya tutulungan eh mag-isa lang siya dahil mukang wala siyang kaibigan. 

Pero ngayon ako muna ang magiging kasama niya , para naman mag mag comfort sa kanya dahil mukang malalim ang ang kanyang problema.

Dumaan ang mga linggo at Mag fi-finals na. Noong pumayag ako kay Sarah eh lagi na kaming mag kasama nito at medyo napapalayo na rin ako sa Barkada ko. 

Naging mag Bestfriends kami ni Sarah at Best at na rin ang tawagan namin sa Isat-isa 

Simula noong napasama na ako kay sarah eh nawala na lang ng parang bula ang aking mga panaginip. 

Gustohin ko mang isama sa barkada si Sarah , pero lagi siyang umiiwas.

Nasabi ko na rin Tungkol kay Jerrick ang tungkol sa aking bagong kaibigan.

Mukang nag tatampo itong Si Jerrick.

Uwian na namin noon at nauna na si Sarah dahil may kailangan pa daw siyang Tapusin. 

Papalabas na ako ng Campus upang mag simula mag lakad pauwi.

Saktong pagkalabas ko eh nakita ko Si Jerrick na pauwi na rin.

Author's Note:

Sorry po kung Short Chapter lang to , at medyo Boring pero kailangan po talaga to sa Story.

Okay may P.O.V din si Jerrick sa mga susunod na Chapters so wait for it. 

Please Vote and keep reading. :))

Bestfriends - Horror Story (Fast Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon