Chapter 6 Ang Pagtatapat

321 6 0
                                    

Jerrick's Point of view :

   Grabe ang lungkot ko ngayon , Pano ba naman itong si Jill umiiwas sa barkada , kung alam lang niya kung gaano ko saiya ka miss.. 

  Mahal ko na si Jill higit pa sa kaibigan nakakainis nga lang kasi lumayo pa siya..

Eto kasing bago niyang kaibigan na si Sarah parang pinapalayo saamin si Jill..

Napaisip tuloy ako kung Tibo yung kaibigan ni Jill , Pss. May Karibal pa ako. 

Pag labas ko ng Campus nakita ko si Jill na nag iisa , di ko na sana siya papansinin kaso bigla niya ako tinawag..

Jerrick , pwede ba tayo mag usap?

Lumapit na lang ako sa kanya.

May Problema ba tayo?

Amm problema? , Meron ba? matipid na sagot ko.

Tumingin ka nga sakin please! , Jerrick ayoko ng ganito. Ayoko ng may tinatago kang galit sakin.

Paano ba namang di ako magagalit , kaming unang kaibigan mo iniwan mo para sa Sarah na yun.

Jerrick , Sana maiintindihan mo si Sarah. Hini ko siya pinatapos sa sinabi niya ng sumigaw ako.

Putek na yan! Puro Sarah na lang. , Sarah , Sarah , Sarah!!!!! pwedeng ako naman. ?

Jill Ang Manhid mo. Ang Manhid mo.!! Jill  Sorry pero di ko mapigilan ang sarili ko eh.

Sana saakin ka na lang Jill! at hindi sa tibo mong kaibigan. Hindi ko alam kung bakit ko na sabi kay jill yun.

Nagulat si Jill sa mga sinabi ko.

Hindi tibo si Sarah , Okay??.!

Tumakbo pa siya papalayo.  Hahabulin ko sana siya kaso napaisip ako na dapat bigyan ko muna ng time para makapag isip si Jill.

Ang lungkot ko umuwi , feeling ko rejected na ako. iniba ako ang daan ko para naman di kami mag kasabay umuwi ni Jill.

Habang naglalakad ako. Napaisip ako at sinabi sa sarili na sana pumasa ako sa final exam kanina kahit hindi ako maka concentrate. 

May naramdaman akong parang may sumusunod sa likuran ko.

Naglakad muna ako at binilisan ang takbo. At sumunod pa rin saakin. Kaya huminto muna ako at lumingon.

Pagharap ko , isang malakas at malamig na hangin ang naramdaman ko.

tatalikod na sana ako. Ng may sumigaw.

May lumitaw na babae na hindi ko alam kung saan galing.

Ako muna! Ako Muna! Ako muna! Kailangan ko siya.

Nag simula na ako matakot noon , nag simula na magdugo ang uluhan ng babae at namuti ang mga mata.. Papalapit saakin ang babae , kaya nag simula na ako tumakbo.

Takbo lang ako ng takbo.

Napansin kong walang taong dumadaan sa eskinita na dinaanan ko. 

Habang tumatakbo pa rin ako , napatid ako sa isang bato. Bumagsak ako sa sahig. 

Lumingon ako muli ngunit wala na ang humahabol saakin. Huminga ako ng malamim at muling lumingon sa aking harapan.

Lumitaw ang babae sa tapat ng muka ko. Nag ka eye to eye contact kami.

Habang nasa harapan pa siya ng muka ko sumigaw siya.

Ako muna! Ako muna! 

Natakot ang muka ng babae. Naka uniform ng tulad sa university namin ang babae..

Sa takot ko., pilit na lang akong tumayo. Sinundan ako ng tingin ng babae at sinimulang tumakbo ulit. Tumakbo lang ako ng tumakbo., Hanggang makarating sa Bahay namin.

Author's Note:

Pasensya na po kung late Upload, naging busy kasi eh. Well Thankyou for reading.

Please Vote , Leave some Comments & Suggestions :)

Keep Reading :))

Bestfriends - Horror Story (Fast Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon