Chapter 10 Sarah

281 8 6
                                    

Nag pasama ako kay Jerrick sa address na nakuha ko sa yearbook. Naikwento ko na din kay Jerrick ang lahat ng alam ko tungkol kay sarah.

Alam mo babe, hindi ko inakala na si Sarah pala ang gumugulo sayo. Ang hindi ko lang maiintindihan kung bakit hindi niya agad sinabi sayo.

Yun nga din ang iniisip ko Jerrick bakit hindi niya kaagad sinabi saakin, kaya ko naman siya tulungan, bakit kaya ako ang napili ni Sarah?

Huwag ka mag alala babe malalagpasan din natin yan.

Hinalikan ako ni Jerrick sa noo, habang magkayakap kami.

Buti nalamang at hindi ganon kalayo ang pamamahay ng pamilya ni Sarah.

Kumatok ako sa gate ng dalawang beses at may lumabas na isang manang sa gate.

Anong kailangan niyo iha?

Andito ho ba ang nanay ni Sarah?

Ako ang nanay ni Sarah, anong kailangan niyo saakin? Malungkot na pagkakasabi ng ina ni Sarah.

Lumingon ako kay Jerrick at napabugtong hininga.

Nay, may kailangan ho kayo malaman tungkol kay Sarah.

Nung narinig niya iyon ay agad naman kami pinapasok sa kanilang bahay.

Pinaupo niya kami sa living room at bingyan ng maiinom.

Iha? Ano bang nalaman niyo tungkol kay sarah? Matagal na siyang hindi umuuwi saamin, hindi namin alam kung saan siya nag punta. Kung saan saan na kami nag hanap para makita siya. Lumuluha na ang nanay ni Sarah.

Ikinalulungkot ko hong sabihin na patay na si Sarah., nag papakita ho ang kanyang kaluluwa saakin sa paaralang pinapasukan ko.

Mad lalong naluha si nanay, iha? Sigurado ka dyan?

Humihingi ho siya ng tulong saakin, ngunit di ko pa alam kung ano ito.

Iha, siguro'y may ipinapahiwatig sayo ang anak ko. Maaring gusto niya mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya o maaring may gusto siyang iparating na mensahe sa iyo.

Huwah ho kayo mag alala nay, pag nag pakita ho ulit sakin si sarah ay kaagad ko pong sasabihin sainyo.

Niyakap ako ng nanay ni Sarah at umalis na sa bahay nila.

Isa na lang ang aking tanong, papaano ko matutulungan so Sarah.

May koneksyon kaya ang panaginip ko sa pagkamatay niya?

~
Malapit na matpos tong Book na ito. Don't forget to comment and Vote. Next Chapter is Entitled "Ang Katotohanan"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriends - Horror Story (Fast Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon