Chapter 1 Ang Paglipat

694 10 1
                                    

Jills Point of view:

      Hayy.! grabe ang haba ng biyahe papuntang maynila , Nakakapagod talaga. Buti na lamang eh 

hinatid ako ni papa papuntang apartment ko na malapit sa University nalilipatan ko.  Kasi naman eh 

pwede naman ako mag aral sa lugar namin, bat dito pa sa maynila. Sa bagay maganda naman dito.  pero syempre ma hohome sick ako noh?! mami-miss ko din mga kaibigan ko dun.

"anak! gising na!! nandito na tayo sa apartment mo wika ni papa. Nakatulog na pala ako habang nasa byahe.  pag baba ko eh agad ko namang nakita ang apartment na titirahan ko habang ako ay nag aaral dito sa maynila. di naman ito kalakihan sakto lang para saakin.  2 floors ang apartment at kumpleto na rin sa gamit tulad ng TV , sofa , kama , computer, at kung ano ano pa.

Mag 12 na noon kaya napagpasyahan namin ni papa na kumain muna sa Mcdo na malapit lang din doon. Matapos namin kumaen eh tinulungan muna ako ni papa na mag ayos ng gamit . 

Mag ingat ka dito anak ah? , sabi ni papa

Pa! malaki na ako kaya ko na ang sarili ko. tutal andito naman si tita alma sa kabilang bahay diba? sabi ko.

Si tita alma ang kapatid ni mama. Pinili talaga nila na dito ako tumira malapit kay tita alma para daw safe at mabantayan ako ni tita. Mag gagabi na noon kaya Umalis na rin si papa at bumalik sa probinsya. 

May Negosyo kasi kaming babuyan sa Batangas at sila mama at papa ang taga-pamahala noon.  kaya doon na sila namamalagi.

Tumingin ako sa Orasan at 6:10 pm na. Kumain ako ng Dinner , naglinis ng katawan at natulog na. May pasok pa ako bukas kaya kailangan matulog ng maaga.

Mahimbing ang pagkakatulog ko subalit parang may nararamdaman akong kakaiba. Nakiramdam muna ako. Parang may kasama ako sa aking kwarto. Hindi ko pa dinidilat ang aking mata. Pakiramdam ko eh may magnanakaw. Ano ba naman yan! Unang araw eh mag nanakaw kaagad. Yan ata ang sinasabi ng mga kaibigan ko na madami daw ganyan dito sa maynila. Pero parang biglang nanlamig ang paligid at ako ay kinabahan.

Dinilat ko ang aking mata ng paunti unti. At nag kamali ako hindi mag nanakaw ang kasama ko. kundi isang babaeng nakauniform. Hindi ko maaliwalas ang muka niya. Lumapit ng bahagya ang babae sa aking kama. natakot ako noon. Lumatang ang babae sa akong harap.  Unti unting nagdudo ang kanyang ulo. Nakakatakot ang mga sandaling iyon. Lumingon ang babae at ako ay tinitigan. Shitt! Gusto ko na sumigaw ng sumigaw ngunit walang boses ang lumalabas sa aking bibig. Nagsalita siya at biglang sinabing , ikaw lang ang makakatulong saakin.! Inilapit niya ang kanyang kamay na waring hahawakan ako. Hindi ako makagalaw ang lakas ng tibok ng puso ko. palapit ng papalapit  ang kamay ng babae sa akin. 

Papalapit ng papalapit

.

.

.

Kaunti na lamang at mahahawakan niya na ako. 

.

.

.

.

.

.

.

.

.

ng malapit na siya saakin at siya namang pag gising ko sa kama. T*ngna., panaginip lang pala buti na lang. Tumingin ako sa Orasan at 6:26 am na , at kailangan na mag ayos para sa aking unang araw sa klase.

 Author's Note

 Hope you like the first Chapter.  Keep Reading :DD

----

:)

Bestfriends - Horror Story (Fast Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon