The beginning

311 15 2
                                    

* KRING! KRIIING!*

"Class Dismissed"

Favorite dialogue ko sa last period teacher namin. My gosh! I really love my last subject teacher. Si Mr. Apart

Si Mr. Apart, Okay na sana. Kung hindi one-sit-apart ang ngipin niya at hindi siya nag-shoshower sa klase. Boring mag-turo 'tong teacher namin na 'to pero mas okay naman siya compared sa iba naming teachers na amoy lupa. Si Mr. Apart ang pinaka-bata sa lahat ng teachers namin.

"Waaaaaaah! Uwian na.^___^ YES!"

Tuwing uwian, anong napapansin mo?

Parang nakawala ang mga estudyante sa kulungan diba?

Ganun naman ata lahat ng estudyante e. At isa na 'ko dun! 

Ako nga pala si Mica, isang fourth year student sa St. Johns High. School ng mga mayayaman, matatalino at nag gagandahan at naggwa-gwapohan na estudyante. Bihira lang ang makikita mong tinatawag na exotic beauty o mga chaka sa school namin. 

"Yesssss! Uwian na best!" Sigaw ko habang ginigising yung best friend kong tulog sa upuan niya.

"Ano ka ba best! kakatulog ko lang nitong last subject natin ee .. " Inaantok niyang sabi.

"Ano ba yan best! May panis na laway ka na nga sa gilid ng bibig mo, may muta ka pa! Ang panget mo! Ay! Ayun na pala yung crush mo best o. ADRIANEEEE!!! ADRIANEEEE!!!" At bigla na lang nag-ayos yung loka-loka kong bestfriend. 

Siya si Nikki, we are partners in crime.

"Niloloko mo naman ako e! Teka, asan na yung mga kaklase natin?"

"Asa langit, sinundo ni San Pedro! Tara na nga! Kanina pa uwian e, lutang ka nanaman! Naka-hithit ka ba?"

"Naka-hithit?" Nagtataka niyang tanong.

"EWAN KO SAYO! ANG SLOW MO!" Sabay sapok sa ulo niya. Minsan talaga, nagtataka ako kung bakit ko naging kaibigan 'tong babaeng 'to e. Ang slow na nga, antukin pa. Ay! Ewan. Ang weird niya. Para siyang ailien na hinulog dito ni Kokey sa lupa. Hindi lang yun. Alam niyo ba na napaka-fasionista nitong bestpren ko? Yung tipong makapag-suot siya ng damit ay aakalain mong nasa panahon pa siya ni Kopongkopong.

 "Aray naman best!" Sabi niya sabay hawak sa puso niya at nag-dramang parang nasaktan sa sinabi ko.

"Ang drama mo! Tara na nga!" 

 "Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong niya.

 "UUWI NA! ANO BA BEST! GUMISING KA NGA! UWIAN NA NGA DIBA!?"

"Bakit ka sumisigaw?"  Mahinang tanong niya

"Hindi ako sumisigaw!"

"Bakit ka galit?"

"Hindi ako galit."

"Ang gulo mong kausap best tara na nga. Bili tayong ice cream bago umuwi. Ililibre kita. Don't worry."

"ANONG SABI MO? AKO PA ANG MAGULONG---aaa, anong sabi mo best? Ililibre mo ako?"

"Ayaw mo ata e,"

 "Anong ayaw? Halika na nga best! Ikaw talaga! Ang ganda-ganda mo." Sinakbit ko na rin ang bag ng bestpren ko hinila ko na siya papuntang malapit na ice cream palor sa school dahil kung hindi ko pa gagawin yun, aabutin kami ng 10 years sa kabagalang kumilos ng kasama ko.

 ( -_______-) <- Siya

(^_________^) <- Ako

"BEST! Thank You ulit ha? Sige. Mauna na ako. Pagabi na rin kase. Baka ma-rape ako sa daan."

"Asa ka namang re-rapin ka nila? Sa mukha mong yan?" Ito na, asa mood na siya. Kelangan ko na talagang umuwi. 

"Sige best. Aalis na talaga ako." Nakakatakot siya. Nakakatakot 'tong bestfriend ko pag nag-evolve.

"Ano ka ba best! Maaga pa! *smirk*"

"Halika! Sumunod ka sa akin." Sinundan ko lang siya as she wish dahil kung hindi, kakatayin niya ako ng buhay at ipapa-kain sa sharks.

 *

"Best! Ang dami na nito. Hindi ko na mabuhat. Mag co-commute pa ako. May sakit yung driver namin!" Andito kami ngayon sa bangketa. Hindi ko ba nasabi sa inyo kung saan bumibili 'tong kasama ko ng mga costumes niya? Este, mga baduy na damit niya? Dito lang naman sa bangketa. Kinakahiya ko talaga 'tong kaibigan ko. Napaka-weird na nga, napaka-cheap pa! 

"Mag co-commute ka?" 

TRUE JEEPNEY LOVE STORY :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon