Warning: Expect wrong typo and grammatical error ahead.
********************
Kababalik lang niya ng Pilipinas at kasama niya ang kapatid na si Fanie. Isa sa dahilan nito ng pagsama sa kanya ay dahil daw sa Ate nito. Halos mag-iisang buwan rin pala na nanatili siya ng Canada.
Habang abala sa pagmamaneho papunta sa isang mall sa Makati, kung saan niya dadaanan ang kapatid dahil nagpapasama nga ito sa bahay ng Ate nito na pasyalan, may mga bibilin lamang daw muna ito. Hindi naman niya ito kayang tanggihan kaya pumayag na siya.
Ipinarada niya ang sasakyan sa parking lot ng mall na iyon at tsaka nag-text sa kapatid na dito na lamang siya maghihintay. Sumagot naman ito ng isang maikling "okay".
Inabot niya ang kaha ng sigarilyo maging ang ligther na nakapatong lang sa dashboard at tsaka kumuha ng isang stick at sinindihan.
Binuksan niya ang bintana ng kotse para makalabas ang usok na nagmumula sa kanyang sigarilyo. Sa pagitan ng kanyang paghiti't buga ay sumagi sa isipan niya si Sansky. Matagal-tagal na din pala ng huli siyang pumasyal sa bahay nito. "Kumusta na kaya ito" tanong niya sa sarili.
Ilang minuto pa ang kanyang pinaghintay bago niya natanawan ang kapatid na may mga bitbit na paper bag na marahil ay pinamili nito. Agad siyang umibis ng sasakyan upang ito ay salubungin para tulungan sa mga dalahin nito.
"Bakit parang ang dami mo naman mga pinamili?" Mabilis niyang sinipat ang ngayon ay hawak na mga paper bag na kinuha sa kapatid at nakita niyang mga damit iyon na pambata at mga laruan.
"Pasalubong ko 'yan kay Ate tsaka sa anak niya. Excited na akong makita ang pamankin ko Kuya alam mo ba?" Mababakas talaga ang saya at pagkasabik sa mukha ng kapatid.
"Oh, tara na, nang maihatid na kita doon." Inilagay nila ang lahat ng pinamili ng kapatid sa back seat. Agad niyang minani obra ang sasakyan palabas ng parking lot.
Sinabi lang nito ang lugar at subdivision kung saan niya ito ihahatid. Napakunot ang noo niya ng marinig na ang subdivision na sinabi nito ay kapareho ng subdivision kung saan nakatira si Sansky at Rhaime. Sinong mag-aakala na ang kapatid pala nito sa ina ay doon din nakatira. Habang abala sa pagmamaneho ay bigla si()yang tinawag ng kapatid.
"Kuya, pagdating natin doo'n h'wag ka munang aalis agad ha para makilala mo na rin si Ate. Alam mo gusto ko talagang magkakilala kayo."
"Naku, Hindi na kailangan ihahatid lang kita sa bahay ng Ate mo tapos aalis na rin ako dahil may iba pa akong pupuntahan."
"Ay, ang daya naman." Nalungkot ito. "Akala ko pa naman maipapakilala na kita."
Ngumiti lang ito. "Don't worry, next time na lang at isa pa moment nin'yo ng Ate mo 'yun. May dapat lang talaga ako'ng puntahan pagkahatid ko sa 'yo."
Kinabig niya pakaliwa ang manibela ng makita na ang entrada ng subdivision. Ibinaba niya ang salamin ng kanyang bintana upang makita siya ng nakatokang g'wardya. Dahil kilala naman na siya ay tumango lamang ito sa kanya at sumenyas na dumiretso ng pumasok.
"Wow, Kuya, parang kilala ka na dito? Kasi ang directions sa akin ni Ate ay sabihin daw sa guard na ako ay kapatid para maipaalam nga rin ang akin pagdating."
"May pinupuntahan din kasi ako dito ng madalas kaya gano'n. Anyway sabihin mo sa akin kung saan banda dito ang bahay ng Ate mo." Tumango ito sa kanya.
"Diyan, Kuya sa may mataas na gate na kulay gray ang bahay ni Ate."
"Sigurado ka ba na diyan?"
BINABASA MO ANG
Sansky, You're mine, Only Mine - Old Maid Series 2 (Published Under TDP Pub)
RomanceLiteral na mahilig sa pakikipag-blind date si Sansky Naverro. Sa kaniyang edad, ginawa na niya itong libangan at pampatanggal ng pagod. Ngunit, isang pangyayari ang babago sa kaniyang kinahihiligan nang pagtagpuin sila ni Ritchmond Candellaria. He'...