Kyle Dominic's POV
Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatitig sa puting kisame na 'to. Ilang minuto nalang din, mag-uumpisa na 'yong klase namin, pero hindi parin ako bumabangon sa higaan ko.
Tinatamad ba 'kong pumasok o natatakot lang akong lumabas sa kwartong 'to?
Napaismid ako dahil doon. Natatakot?
Nakakatawa namang isipin natatakot ako. Siguro pag nalaman nila na natatakot ang isang Kyle Dominic Martin, ay matatawa sila. 'Yong tipong hahawak pa sila sa tiyan nila sa sobrang tawa.
"KYLE!" Sa sobrang gulat ko sa sigaw na 'yon, napatayo ako sa higaan ko. 'Yan nanaman siya.
Kumatok siya ng ubod ng ng lakas. Mabuti nalang at matibay ang pintuan 'yan, kundi matagal na 'yang sira, sa pinaggagawa niya.
"LUMABAS KA DIYAN! HINDI PA 'KO TAPOS SAYO! WALANG KWENTA KANG ANAK! PINATAY MO SIYA! PINATAY MO NANAY MO!"
Agad tumulo luha ko. Lagi nalang ganto. Pero, tama naman siya eh. Ako dahilan ng pagkamatay ni Nanay. Parang pinatay ko nadin siya.
Siguro pag nakita nila akong umiiyak. Pagtatawanan nila ako. Tss. Ang bading naman neto!
Pinunas ko ang mga luha ko gamit ang aking kamay.
Paano ba ako lalabas dito na hindi binubugbog? Tss. Mukang malabo naman 'yon.
Habang nagsisisigaw ng mamasakit na salita ang aking Tatay, ay nag-ayos na 'ko ng sarili. Tumingin ako sa orasan. Late na talaga ako.
Napatawa naman ako na parang ewan. Namomoblema pa ko na late na 'ko, eh araw-araw naman akong late. Tss.
Nang natapos na 'ko mag-ayos ay lumakad na 'ko papuntang pinto at binuksan ko na 'yon. Sumalubong sa'kin ang malakas na suntok. Ang sarap na almusal naman. Tss.
"NAPAKA WALANG KWENTA MO TALAGANG BATA KA!" Binato niya pa 'ko ng mga gamit na nahahawakan niya, "SANA IKAW NALANG ANG NAMATAY AT HINDI ANG NANAY MO! TUTAL WALA KA NAMANG KWENTA EH!"
Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad palabas ng bahay na 'to.
"WALA KANG MODO!" Hinila niya ng kwelyo ko sabay suntok sa kanang pisngi ko. Nawalan ako ng balanse kaya napatumba ako. Tatayo na sana ako para makaalis na talaga dito sa bahay na 'to, pero sinipa niya ako sa tiyan. Ilang beses niya ko pinagsisipa. Hanggang sa manghina na 'ko.
"'Yan ang dapat sayo!" Matigas na sabi ni tatay, saka dumiretso sa kusina at uminom ng alak.
Pilitin ko makatayo, buti naman at nakayanan ko pa. Dumiretso na ako palabas ng bahay.
Palaging ganto nangyayari sa umaga ko. Sana'y na 'ko. Ayokong gumanti sa kanya, dahil 'yon ang nararapat sa'kin. Malaking kasalanan ang nagawa ko. Pati sarili ko sinisisi ko sa pagkamatay ng Nanay ko.
Masakit ang katawan ko. Pero wala ng mas sasakit sa salitang binibitawan ng aking ama tungkol sa'kin. Isang walang kwentang anak ang tingin niya sa'kin. Napatawa ako ng mapakla. Tama naman siya, walang akong kwentang anak. Wala akong kwentang tao. Ba't pa ba 'ko nabubuhay? Wala akong kwenta sa mundong 'to.
Nakita kong may papaalis na kotse malapit sa'min. Mukang may bago kaming kapit-bahay. May nakatira na sa malaking bahay na 'to. Tss. Pakialam ko ba diyan!
Napahilamos ako ng muka.
Basa? Bakit basa? Umuulan ba? Hindi naman ah. Maaliwalas naman ang kalangitan. Ugh!
Inayos ko ang sarili ko habang naglalakad. Ang tanga ko naman! Nag-ayos pa ko sa bahay kung alam ko namang magugulo din. Tss.
Kung kanina sa bahay isa akong duwag. Ngayong papasok na 'ko sa school, kaylangang maangas na 'ko. Kaylangan kahit may pasa ako sa muka, astig parin ako sa paningin nila. Kaylangang gwapo ako para maraming magkakandarapa sa'kin na mga babae. Napaismid naman ako.