My Saviour

81 5 0
                                    

Prologue

Isa akong hindi kayamanang lalaki.

Barumbado.

Siga.

Walang modo.

Lahat na ata ng hindi magandang ugali, nasa akin na.

Kahit na sarili kong tatay, ayaw sa akin.

Dahil ba kinakahiya niya ako? Hays. Siguro 'yon nga ang dahilan.

Palagi pa niya akong pinagbubuhatan ng kamay. Lagi nalang akong mali sa paningin niya.

Kung nan dito lang si Nanay. Si Nanay na lagi kong kakampi. Si Nanay na totoong nagmamahal sa akin. Pero, wala na siya eh. Kasama na niya ang Diyos.

Kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit siya namatay. Kaya lahat ng sisi sa akin binubuntong ng tatay ko.

Matapang ako. Pero hindi ko magawa na lumaban sa tatay ko, dahil pati sarili ko sinisisi sa pagkamatay niya. Dapat lang sa akin 'yon.

Pero sa kabila ng pambubugbog ni tatay sa akin, ay may isang babae na tanging nagtanggol at prinotektahan ako.

Ang bakla diba?

Kasi babae ang nagtatanggol sayo at nagpoprotekta imbis lalaki.

Siya si Sapphire Do. Ang sopistikado ng pangalan niya, pero sa itsura niya isa siyang mahinhin, simpleng babae at maganda siya.

Ako si Kyle Dominic Martin, at ibabahagi ko sa inyo ang kwento ng buhay ko, kasama si Sapphire Do.

--
A/N: Slow update lang po ako dito sa story na to. Short story lang kasi. Sana magustohan niyo. :) Arigatou!

My SaviourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon