Chapter 2

21 3 0
                                    

Dumiretso ako sa tambayan namin nila Rei, dito sa lumang room. Alam kong maya maya nan dito na 'yong dalawang 'yon.

Walang nakakaalam na tambayan namin 'to. Maingat kaming pumupunta dito, para hindi masita. Wala din namang pumupunta na teacher o iba pang studyante dito kundi kami lang.

Agad akong umupo sa lumang couch, sinandal ko ang kaliwa kong kamay sa sandalan ng couch at gamit ang kanang kamay ko ay hinilot ko ang sintido ko. Hindi ko maalis sa isip ko 'yong Sapphire na 'yon. Hindi dahil gusto ko siya. Dahil sa pagkakapareha nila ni Nanay.

Bakit pa siya dumating?! Dahil sa kanya naaalala ko ang nangyari dati. At naaalala ko sa kanya si Nanay. Mas lalo ko siyang pahihirapan, hanggang sa umalis na siya dito sa school.

Sa gitna na pag iisip ko ng plano kay Sapphire Do, narinig ko pag bukas ng pinto. Napakunot ako ng noo nang si Rei lang ang inuluwa ng pinto.

"Nasaan si Darwin?" Tanong ko.

"He's with Sapphire."

Mas lalong kumunot noo ko. "Bakit?"

Nag kibit balikat lang siya saka umupo sa tabi ko.

Maya maya ay dumating na din si Darwin.

"Woh! Woh! Bakit ang sama mo makatingin boss?" Aniya.

"May gusto ka ba kay, Sapphire?"

Agad naman siyang humalakhak kaya mas lalo ko siyang tinignan ng masama.

"Ay! Sorry boss." Tumigil na siya sa pagtawa. "Syempre wala boss! Hindi naman ako yong tipo ng lalaki na agad nagkakagusto. I'm not interested duh!" Umupo sa bangko sa harap namin.

Hindi ko na siya pinansin. Ilang minuto naging tahimik kami. Iniisip ko pa rin ang plano ko sa pag papaalis kay Sapphire dito sa school. Kaylangan yong talagang hindi niya malilimutan, para kahit papano ay may ala-ala siya dito sa school na 'to.

"She's familiar."

Napalingon naman kami ni Darwin kay Rei.

"Sino naman, pinsan?" Tanong ni Darwin.

"That Sapphire."

Napakunot noo ko, "Saan naman?" Tanong ko.

"I don't know."

"Baka sa America." Ani ni Darwin.

"I don't think so." Kibit balikat ni Rei.

Nanatili lang kaming tumambay doon sa tambayan namin, dahil wala naman gagawin ngayon. May beer na dala si Darwin, patago niyang 'yong dinala dito. Nang malapit na ang break namin ay lumabas na kami sa tambayan. Kung oras ng break kami lalabas baka may makakita pa sa'min.

Maya maya ay pumasok na kami sa cafeteria.

Pag pasok namin cafeteria ay rinig ko na ang mga tilian ng mga kababaihan. Hindi na bago sa'kin 'to sanay na 'ko, kaya hindi ko na pinansin 'yon.

"Ang pogi talaga ni Kyle! Ang astig niya pa!"

"Oh my God! Rei, I love you na!"

"Shit nginitian ako ni Darwin! Oh my God! I can't breathe!"

"Ang gwapo ni Kyle, kahit ang seryoso ng mukha niya! Kyaaaahhh!"

Napadako ang tingin ko sa table nila Sapphire. Kasama niya sila Nathalie at ibang naming kaklase. Masaya silang nagkukwentuhan, nakikita ko pa ang magandang pag tawa ni Sapphire. Para siyang anghel.

Ugh!

Lumapit ako sa table nila saka hinawi ang mga pagkain nila sa table. Napasigaw sila sa ginawa ko.

My SaviourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon