ABSENT SYA :D

61 5 0
                                    

anong ginagawa ni Brent dito ???

"KC, natutulog ka na ba? pasensya na ah, sandali lang naman ito eh." sabi nya habang nakatayo sya dun sa may gate namin.

"KC, wala ka bang manners, anak. papasukin mo nga yang bisita mo. Nakakahiya, nag-uusap kayo habang nasa labas sya. ang gwapo pa naman." sabi ni mama.

etong si mama rin eh :3 ung totoo? kung pangit yan hindi mo papapasukin yan dito no? :3 lumabas na ako ng pinto at binuksan yung gate.

"Pasok ka muna." sabi ko sa kanya.

naka white sando lang sya at shorts. ang puti nya pala. ang gwapo pa rin nya kahit ang simple lang ng suot nya.

OY KC !!! >.<

"Thanks pero dito na lang. Saglit lang naman to eh." sabi nya.

"Ano ba yun? Gabing-gabi na." sabi ko.

"Ah, pasensya na."

nakakapanibago naman tong ugali nya ngayon, kung makapagpasensya akala mo napakabait. :3

"Ano nga?"

"Ahmm.. KC, aabsent kasi ako bukas. Pwede bang pakisabi na lang sa mga professors natin na kailangan kong umabsent?" sabi nya.

HA? yun lang naman pala eh :3

"Yun lang pala eh! Ang dali dali. Sana sinabi mo nalang kanina. Bakit ka naman aabsent?"

"Kanina lang din kasi sinabi sa akin nung pag-uwi ko. Kailangan ko kasing pumunta ng Cebu mamayang madaling araw eh."

CEBU?? o.O

"Bakit? Anong meron sa Cebu?"

"Makapagtanong naman to. Basta!" sabi nya.

"Eh anong sasabihin ko kapag tinanong din ako ng prof natin kung anong gagawin mo sa Cebu?" :3

"Hindi ka na tatanungin nyan. Basta ako, OK lang. HAHA!" sabi nya at tumatawa pa.

mayabang na naman :3

"OK, sabi mo eh." sabi ko na lang.

"Salamat ah!" sabi nya at aalis na sana.

"OY Teka lang!"

"Bakit?"

"Hindi libre yun no! Haha" sabi ko.

"Grabe naman to. Nilibre na nga kita kanina eh. Pero sige, dadalhan na lang kita ng pasalubong galing Cebu." sabi nya.

AYUUUN !! HAHAHA, buti na lang nakuha nya agad. XD

"Sige, nga pala, kelan ka uuwi?" tanong ko.

"Siguro sa isang araw pa. To naman, hindi pa nga ako umaalis namimiss na ako kaagad. Haha!" sabi nya

"OOOOOOOOY! Ang kapal ng mukha! As if naman ang gwapo mo!" sabi ko.

"Hindi ba?" tanong nya at lumapit na naman ang mukha nya sa mukha ko.

"Umayos ka nga!" sabi ko at tinulak ko sya.

tumawa lang sya.

"Sige, salamat ah. Uwi na ako." sabi nya at umalis na.

sinasara ko na yung gate ng bigla ulit syang bumalik.

"OY KC! pahingi naman ng number mo." sabi nya habang hawak yung cellphone nya.

o.O anong gagawin mo sa number ko?

Are you the ONE ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon