SUPER MALAS KO TODAY ! >.<"

91 6 0
                                    

is this REAL ?? I mean, really REAL ??!

SINAMPAL nya ba talaga ako ??

"You don't know what I can do, you bitch ! Don't you ever try me!" sigaw sa akin ni Alexa.

How dare you call me B*TCH ?! after mo akong sampalin, ako pa tatawagin mong B*TCH ?!

*PAK!* sinampal ko rin sya. I can let anyone just slap my face, my beautiful face ! if they did, hindi ako papayag na hindi makaganti. Hindi ako pinalaking maganda ng parents ko para lang sampalin mo !

all of them stared at me. As in lahat ng mga kasama ni Alexa. Even Alexa looks so shocked.

"Why ? Do you think I can't slap your face too ? Of course I can !" sigaw ko sa kanya

itsurang susugurin na ako ng mga ka-uri nya pero she raised her right hand to stop them. Quite unusual of her huh ?

"It's not yet time, girls. She doesn't know what she just did tonight. We're here to just warn her." sabi ni Alexa then lumapit sya sa akin.

She comes nearer. Bumulong sya sa tenga ko.

"KC, don't you dare forget what happened tonight. You'll pay for this." very serious ung boses nya, ung nananakot. I think, she's trying to tell me na wala na akong kinabukasang matino dahil sa pagsampla ko sa kanya.

"I won't forget it. Don't worry." sagot ko sa kanya. HA ! Akala mo natatakot ako sa'yo ?!

"Let's go girls !" then nag-alisan na sila.

bumalik na ako sa bahay as if nothing happened. Nasa kusina sila mama at papa kasi kumakain si papa. Paakyat na ako sa kwarto ko.

"KC, saan ka galing ?" tanong ni mama.

"Sa labas lang po Ma."

"Hindi ako tanga anak ! Kaya nga tinanong kita kung saan ka galing kasi galing ka sa labas. What I mean is anong ginawa mo sa labas ?!"

highblood ???

"May kinausap lang po ako ma."

"Sino ? Si Brent ba ? Kanina lang magkasama kayo ah ? Hinatid ka pa nga dito tapos pumunta na naman ulit dito ?"

"Hindi po si Brent un Ma."

"Eh sino yun ?"

"Si ALexa po. Sige po ma, akyat na ako."

"Sandali lang KC." seryosong tawag ni mama.

woooh !~ ito ung ayaw ko sa lahat eh :3

"Bakit po ma ? Pakibilisan lang po kasi gagawa pa po ako ng assignments ko." tapos tumabi ako sa kanila ni papa.

"Ayokong nagiging sobrang malapit kayo ni Brent." hindi nakatingin si mama sa akin nung sinasabi nya sa akin un.

MA ?? Anong problema kay Brent ?

"Ma, magkaibigan lang po kami ni Brent. Nothing more, nothing less."

"Hindi yun ang nakikita ko."

"Magkaibigan lang po talaga kami Ma."

"Kahit na. Ayoko na syang nakikitang pumupunta pa dito."

"MA..."

"Hon, hindi na tama tong ginagawa mo." sabi ni papa.

"Anong hindi tama ?"

"Magkaibigan lang naman sila ni Brent. Para mo na ring sinabing wag nang makipagkaibigan yang anak mo sa ibang lalaki."

"MA !"

"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Iba kasi ang nakikita ko sa inyo ni Brent. Hindi normal sa magkaibigan lang ung susunduin at ihahatid ka sa bahay."

Are you the ONE ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon