My Bestfriend's In Love With ME !

53 5 3
                                    

"Ano kasi Ann, ah, pano ba ?.. Ah.."

"Ano ba yun panget ? Mangungutang ka ? Nako, wag sa akin, kay mama na lang."

"Hindi yun! Ann, seryoso ako."

"Haha, ang tagal mo kasi magsalita eh. Ano ba yun ? Bat parang hirap kang itanong ?"

"Kasi eh. Pero isagot mo lang yung alam mong sigurado ka ah."

seryoso nga to. Ano ba kasi yun ? Kinakabahan na tuloy ako. :3

"Sige."

pinaupo nya ako sa kama kaharap nya hinawakan yung kamay ko. Nakatingin sya sa mga mata ko.

"Ann, 2 years na lang ang inaantay nila mama. As of now, do you think when that time comes, you will marry me?"

nakatingin pa rin sya sa mga mata ko. Tumahimik ung buong paligid ko. It seems like we're just two in the world right now.

"Ha ?"

parang ang gulo kasi nung tanong nya eh! nakuha ko yung punto nya pero nalito ako medyo and I really don't know what to say. >.<

"Papayag ka bang magpakasal sa akin kapag pareho na tayong 20 years old? That's about the arraned marriage."

nakatingin pa rin sya sa mga mata ko. Hindi kumukurap.

Anong sasabihin ko ? Sabi nya isagot ko kung ano yung sigurado ako. But I'm not sure with everything!

ano na ?! >.<

"HULI KA KUYA !!" sigaw ni Kyle kasabay ng pagbukas ng pinto ng kwarto ko.

pareho kaming nagulat. Ang tahimik kasi ng paligid tapos bigla na lang may kumalabog at sumigaw.

"Hala!!" sigaw ni Kyle habang nalalaki yung mata at nakaturo sa mga kamay namin ni Lloyd na magkahawak pa rin.

pati kami nagulat din at mabilis pa sa alas-kwatrong bumitaw.

"Hoy Kyle!" sigaw ko.

"Kyle, buti nahuli mo na ako. Kanina pa ako nagtatago dito eh. Haha!" sabi ni Lloyd at tumayo na.

"Kuya, ako naman habulin mo!" tapos tumakbo pababa si Kyle.

"Huwag mo na munang sagutin yung tanong ko kung hindi ka pa sigurado. 2 years pa naman eh. Matulog ka na jan." sabi nya saka lumabas ng kwarto ko at dahan-dahang sinara yung pinto.

humiga na ako sa kama ko.

Oo nga no ? 2 years na lang pala. 18 na kasi ako nung last march lang and sya naman nung last january lang.

matagal pa naman eh. Pero bakit nya natanong ? Hindi ko akalaing sineryoso nya un. Hindi ko na kasi inisip yun mula nung sinabi sa amin nila mama at mama-tita yun bago sila umalis papuntang Switzerland.

Ano bang sagot ko dun sa tanong nya ? Yes or no lang naman yung sagot pero ang hirap sagutin ! >.<

"Panget, matulog ka na, wag mo nang isipin yun." text ni Lloyd.

o.O pano nya nalaman na iniisip ko pa rin yun ?

dumadami ang mga pyshics sa paligid ko ah! Makatulog na nga.

Lloyd's POV:

"WAH ! Pagod na ako Kyle. Tulog na tayo."

"Ako din kuya eh. Haha" sabi ni Kyle.

"Oy, Kyle, ganda ng timing mo kanina ah. Haha"

"Ano yun kuya ?" nagtatakang tanong nya tapos natulog na.

Are you the ONE ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon