Back To School

93 4 0
                                    

"Mama-tita, ano pong sinabi ng doktor ?" tanong ko kay mama-tita at tumabi ako sa kanya. umiyak sya lalo at niyakap nya ako.

"Bakit mo mama-tita ? May mas masama bang sinabi yung doktor ? Ano na pong kalagayan ni Lloyd ngayon ?"

"Wala anak, masaya lang ung tita mo sa kalagayan ni Lloyd ngayon dahil walang masamang nangyari sa kanya." nakangiting sabi ni papa.

"Yeah KC. Everything's OK. Don't worry." sabi ni tito habang tinutulungan nyang tumayo si mama-tita.

sure kayo ? OK lang talaga si Lloyd ?

lumabas ng kwarto sila mama-tita at tito pero patuloy pa rin ung pag-iyak ni mama-tita.

sure talaga kayo ? eh bakit ganun na lang kung umiyak si mama-tita ??

"Ate, grabe matuwa si mama-tita no? nahahagulgol pa." sabi ni Kyle tapos umupo sa tabi ko.

lumabas rin sila mama at papa ng kwarto kaya dalawa na lang kami ni Kyle na nagbabantay kay Lloyd.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

-

"KC, KC." may yumuyugyog sa braso ko.

"KC, anak." si mama pala.

nakatulog na pala ako nang nakayuko sa gilid na kama ni Lloyd. Dito lang kasi nakaupo kanina pa mula nung lumabas sila ng kwarto.

"KC, anak. Umuwi na kayo ni Kyle. May pasok pa kayo bukas." sabi ni mama.

"Yeah, ihahatid ko na lang kayo sa bahay nyo." sabi ni tito.

lumabas na kami ng kwarto after ako pagsabihan ni mama ng mga kailangan kong gawin pagdating ko sa bahay at bago ako umalis para pumasok. Nauuna maglakad sa amin si tito at hawak ko naman ung kamay ni Kyle. Halata sa mukha ni tito na malungkot sya.sobrang daming nangyari sa araw na ito. Sino ba namang hindi mapapagod at maiis-stress.

Nakalabas na kami ng hospital at sumakay na sa kotse ni tito. Tahimik pa rin kaming tatlo. Gusto kong magsalita pero hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Parang ayaw ring makipag-usap ni tito. Si Kyle naman halatang inaantok na.

"Ate, pwede bang humiga sa lap mo? Inaantok na kasi ako eh." sabi ni Kyle.

Pumayag naman ako kasi inaantok na nga sya.

"Tito," sabi ko.

"Yes ?"

buti na lang sumagot sya.

"Kanina pa po kasi ako nakakapansin ng parang mali eh. Ano po ba talagang kalagayan ni Lloyd ngayon ?"

"HA ? Sinabi na kanina ng papa mo ah ? Medyo exaggerated lang ung mama-tita mo KC. You have nothing to worry about." nakangiti nyang sabi.

ok. OK lang si Lloyd. Hindi masama ung kalagayan nya ngayon. Bakit ko ba kasi pinipilit na meron ? :3

nakarating na kami sa bahay at hinintay lang kami ni tito na makapasok saka sya umalis pabalik sa hospital.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

-

5 AM pa lang gising na ako. Thanks for my alarm clock sa cellphone ko. Maaga ako nagising ngayon dahil marami akong kailangang gawin. Hindi ito ung right time na humilata ako at magpalate na naman. Wala kasi si mama dito sa bahay dahil nasa ospital pa rin sya.

pagtingin ko sa CP ko, ang daming messages. 10 messages. Ung iba puro GM lang nila Faye, then may 2 messages na galing kay Brent.

FROM: BRENT

Are you the ONE ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon