I Tried to call her .. she's not answering for a couple of days... Nagaalala ako although I told her na ok lang kahit di niya sabihin sakin ang komplikasyon na naiisip niya I am still worried.Then saturday came... a chance para matanong ko si Marvin ng personal about sa kanilang dalawa. I got a bad feeling na about this, Una... If they have complications then naturally Marvin is breaking a rule in our group. The "Single Rule". Nakakabother na may isang kasama ka na maaring mawala any moment dahil sa di pagsunod sa patakaran ng grupo. So kinausap ko siya with the same approach na laging ginagawa ko. We talked about some things before I directed to my point. "Nagkakausap pa ba kayo ni abby?". Then answered me casually na "Di kame nagkakausap tol ehh, no communications". Di ko na masyadong inungkat ang topic straight forward siya sa pagsagot, di na niya pinagisipan. Kaya naisip ko, kaya maaring naguguluhan si abby dahil hindi sila nagkakausap ni Marvin. Then I rest my case.
Maraming araw pa ang nagdaan... Naging busy ako sa mga bagay bagay. Normal Days... same old same old. Abby? balik na ulit siya sa dati at nakikipagkulitan madalas kay Andrea pag nagkikita sila. Siyempre di ako papahuli mahilig din akong makiepal sa kanila kapag medyo pagod ang utak sa Orchestra hhahhha. Days pass us by very smoothly, na sa sobrang smooth naalala ko ang mga madalas sinasabi ng mga anime characters na pinanunuod ko... "It's like a Calm Day before the Storm". Medyo natakot medyo napaisip but come what may, kung ano man yan iniisip ko nalang na panandalian lang yan.
Isang event ang tinugtugan ng grupo namin in which na di ako tumugtug dahil na late ako sa event. Nagbrowse lang ako ng FB sa laptop ko buong event hahah wala akong ginawa umistambay lang ako at inaantay sila na matapos. Maya mayang konti tinabihan ako ng isa kong kasama na unfortunately na late din sa event hahaha. Siya si Nicky, Viola ang instrument niya sa grupo. Mukang mataray ang itsura niya pero when you get to know her She is very charming at napakalambing. Tinignan niya ang ginagawa ko, nasaktuhan niya ang pagtingin ko sa mga pictures namin nila Andrea at Abby nung minsang lumabas kami. Anung okasyon? Bday ni Andrea 19th bday :). "Baka naman friendzoned ka nanaman dyan Leo" sabay tawa na tila nang-aasar. Di ako ung tipong pikon kaya sinabi ko kagad sa kanya na "Shut up ! lakas mo talagang mang asar, wala ka magawa?!"
(sabi ko sa inyo ehh, di ako pikon). Well tinigil naman niya agad at tinanong kung sino ang dalawang dilag na kasama ko sa picture. Agad kong sinagot ang tanong niya "Dalawang kaibigan ko na Nanglibre sakin na kumain sa labas" XD. Nataawa din siya sabay tanung kung maari din daw ba siyang maging kaibigan ng dalawang kasama ko sa mga pictures na nakita niya.
Friendzone - Lugar kung saan di ka makakatagpo nang happy ending. Lugar kung saan di mo makakamtan ang pangarap mo.
Friendzoned - Ginagawa sa mga taong hanggang kaibigan lang talaga ang tingin mo at di na maaring humigit pa doon. OUCH !
A week passed by and kakatapos ko lang ng mga dapat kong gawin. So I chilled down with my orchestra buddies, kwentuhan to the max parang hindi mauubusan ng maikukwento. Umabot ang kwentuhan nang hanggang 9 ng gabi so some of us ay nagpaalam na uuwi na sila. One and a half hour ang byahe mula sa Pampanga papuntang manila pero since na may kailangan silang gawin di na namin pinigilan ang ibang kasama namin na umuwi. Some of us stayed and continued the conversations. "Guys, sa grupo mayroon ba kaung nakikita o hinala na nagkakaroon nang affair?" napatingin ang lahat sa kasama namin na nagtanong. Silence fills the air for a couple of seconds. Then someone speaks. "May narinig akong paguusap ng mga Officers, Na dalawa daw sa atin ang may hinala sila na may nagaganap na ligawan etc." Kinalma ko ang sarili ko inantay ko ang babanggitin niyang pangalan, although di sila pa sigurado kung totoo nga ang hinala nila, at kahit wala pa akong ideya masakit para sa akin ang malamang may mawawala sa grupo. "Si Nicky at Marvin daw". Shocked, Stunned, parang na Hoof Stomp ako ni Centaur Warchief sa sinabi niya. (Reference DOTA). Madaming naglalaro sa utak kong mga tanong, Marami ring pumapasok na sagot na di ko alam kung tama... Naguguluhan ako... pero kahit ganon di ako nagpakita nang emosyon sa mga kasama. Pinakalma ko ulit ang aking sarili at inisip ang sunod kong hakbang na gagawin... Kailangan kong Magimbestiga (Detective Conan Soundtrack)