Nakahiga... at nagiisip... at masasabi din nating inspired... ung conversation namin ni Marvin ay parang nakipagusap ako sa isang leading man sa isang pelikula. Bakit kamo? "We decided to be apart, We decided na may mga bagay na dapat munang unahin. Para in case tama na ang panahon we will make each other much happier". Napakamakatang pananalita, Napakadeep na pananaw, mga salitang di ko inaasahan sa kaibigan kong puno ng yabang ang pag-uugali. Na stun ako ehh mga 5 seconds, at ang nasambit ko lang ay "F#(& You dami mong Alam". Di ako sanay sa ganun niyang side ehh personally first time ko lang nakita yun. So ito ako ngayon nakahiga hinahanap sa aking alaala ang kahapon, nagtatanong kung kaya ko din kayang gawin yun? Can I really trust someone wholeheartedly like they say they did? Well... ewan XD.Medyo usisero din ako kung hindi ninyo na itatanong (Obvious ba?). Buti nalang talaga at naimbento ang pinakamagandang naimbento ng tao, ang napagaan ng buhay naming mga admirers and aspirants. Ang FACEBOOK.
ADMIRER - Taong lagi ding updated sa pang-araw araw na pamumuhay mo at laging like ng like sa status at picture na pinopost mo. Ang pagkakaiba lang niya sa stalker... maari mo siyang matipuhan
ASPIRANT - Gustong maging admirer or gusto rin niyang maging gaya mo heheh XD
Naalala ko ang name niya kaya sinearch ko siya isang gabi sa Facebook. Abigaile Diaz, buti nalang napakadami naming mutual friends at siya ang unang lumabas (grabe what a friend ngaun lang ina-add). Syempre nang mga time na ito di pa kame ganun ka close kaya wag ka ngang magulo.. Anyways di ko na kinailangang magantay ng sampung taon para lang sa confirmation accepted agad after 10 mins XD. Di na agad ako nagpatumpik tumpik pa at bingay ang pinaka kolokial na pambati at walang kamatayang "Hi po musta? :)"
Unang paguusap palang namin pero inabot na kami agad ng sobrang tagal sa chat palang. Di siya mahirap kausap sinasagot niya ng derekta lahat ng tinanong ko sa kanya. Kaya nasagot kagad ang malaking question mark sa utak ko . kung totoo nga na hiwalay muna sila o hindi. Well mali kau kung iniisip ninyo na gusto kong sumaydline at makiepal sa kinukwento kong love story nila sorry di ako mahilig sa "Crowdy Relationship" XD. Natapos ang aming usapan? syempre naman 3 am na ehh , At ang huli niyang sinabi?? "Pakibantayan nalang ung kaibigan mo ah". Salitang di ko pinansin at binalewala mga salitang magbibigay din pala sakin ng problema kalaunan...