Feeling ko dapat kong sabihin kay Abby ang nalalaman ko. Pero pinigilan ko ang sarili ko muna sa kadahilanang wala pang confirmation kung totoo nga ang kumakalat na rumor tungkol kay Nicky at Marvin. Have to keep it from her, Hindi ko gustong magkaroon ng gulo, so I'll watch I'll observe, In time malalaman ko rin ang mga kasagutang hinahanap ko... Lumipas ang mga araw at gaya nang aking inaasahan nalaman ko ang resulta nang imbestigasyong naganap ukol sa isyu sa dalawa kong kasama. Pinabulaanan nila ang sabi-sabi, nakahinga ako ng maluwag hahah. Sa wakas makakausap ko na si abby ulit nang maayos at maluwag sa puso.
Kahit natapos na ang isyu, di ko magawang ikwento kay abby ang mga bagay na ukol doon. Good conscience ang habol ko ayaw kong magkaroon nang tamang hinala siya laban sa kasama ko. Kaibigan ko sila pare-pareho at kahit di kilala ni Nicky at Abby ang isa't isa ayaw kong magkakilala sila in a wrong way.
Nakatype na ang salitang "Good Evening!" sa cellphone ko nang matanggap ko ang text galing kay Abby na "Leo pede ka makausap?". Kinabahan ko, para sa akin delikado ang mga salitang yun, naglaro na agad sa utak ko ang mga salitang "Paano niya nalaman iyon?" di ako mapakali... kaya di ko siya muna nireplayan at nakipagkatuwa sa mga kasama ko sa unit na aking tinutuluyan sa Pampanga.
It's 2 am nang marinig ko ang cellphone kong nag ring, Si Abby tumatawag. Sinubukan ko nang sagutin isang malat na boses ang narinig ko "Leo may nagkwento sa akin na may ginagawang kalokohan si Marvin" pinakalma ko muna siya at gayon din ang sarili bago ako nagtanong kung ano ang pinagsasabi niya. Meron daw inuuwi si Marvin sa bahay, bagay na kinagulat ko, tumakbo na agad ang malikot kong kaisipan.
Lalake din ako bago ako nagtino at pinasok ang mundong kinabibilangan ko ngayon napabarkada din ako, Lumaki ako sa environment na di na bago ang pagiging adik at paggawa ng mga masama at mga Immoral na bagay. Kaya isa lang ang naisip ko sa sinabi niya. Pilit kong tinanong kung reliable ba ang napagkuhanan niya ng impormasyon at kung sino iyon. Hindi niya masabi sa akin kung sino pero naniniwala daw siya sa taong yun. "Maari kong paniwalaan ang taong yun Leo, dahil minsan nang niloko ako ni Marvin." Naputol ang linya pero alam kong umiiyak nanaman siya. Not wasting any time I texted her to tell me kung ano ang ibig niyang sabihin. "Si Che-Che", yun ang txt na natanggap ko mula sa kanya kasunod ang text na "Sorry, Next time nalang natin pagusapan, pagod na ako gusto ko nang magpahinga". Hindi ko na siya pinigilan sa gusto niyang gawin. Maaring 2 or 3 hours na siyang umiiyak batay sa malat na boses na narinig ko over the phone. Tumingin ako sa orasan sa aking telepono, mag aalas kwatro na kailangan ko na ring magpahinga. Sabado bukas kakausapin ko ang dahilan kung bakit umiiyak ang kaibigan ko itatanong ko sa kanya ng derekta kung sino nga ba si Che-Che.