Ang Pangalan niya ay Abby. Maganda?, sa tingin ko pasado naman.Mabait at maalalahanin, madami pa siyang katangian na gusto ko pero higit sa lahat ay ang pagiging toyoin niya hahah XD. Kung bakit ko siya naging kaibigan?. Simple lang ang dahilan, Kay Marvin. Isang Preskong gwapong gwapo sa sarili kong kaibigan. OO Kaibigan ko... mabait naman siya sadyang may kayabangan at kaangasan lang sa katawan.Like any other stories.. Oo sila pero syempre konti lang kaming nakakaalam. Desisyon nila yun, dahil sa mga magulang nila, or sa ibang taong nakapaligid sa kanila and we respect that. Going smoothly ?... You tell me... madaming hirap ang pagiging "Secret ON".
1. Parang hindi rin kayo.. XD
2. Pero Kayo. So behave parin
3. Hindi mo pedeng ipakita sa iba dahil malalaman.... Ano ba kau "SECRET" nga eh
Well, ayun ang status nila in short complicated. Although complicated, naramdaman ko naman na gusto tlga nila ang isa't-isa. Nagkakilala sila sa Choir, Pero prior to that crush na ni Marvin si Abby nung bata palang sila. Ang natatandaan ko ngang sinasabi sakin ni Marvin noon "Girl of her Dreams". OO sobrang corny di ako mahilig sa mga ganun ehh. So noong naging choir sila tuwang tuwa ang Mama. Nagsimula sa patxt txt, at hatid sundo na peg. Naging posible ang lahat na walang maghinala sa kanila dahil sa stalker ni Abby. Dahil dun posible na ihatid sundo siya ni Marvin sa bahay.
stalker - Taong sunod nang sunod na parang anino, O maari mo ring itawag sa may gusto sayo na hindi mo tipo.
Bawat sikreto ay may kaakibat na pahahon para mabunyag. Panahon para itigil ang pagkukunwari. Isa na doon ang paglilihim nang relasyon. May Rule sa choir na sa madaling salita ay "Single Rule"
Kaya di sila nakapanatili. (Naks lalim). Years go by na wala akong balita sa kanila. Ni alingawngaw nang kanilang mga pangalan ay di ko narinig. Hanggang sa umupo sa harapan ko si Marvin during Interview for New applicants sa Orchestra na kinabibilangan ko. Syempre una gulat then quietly thinking... Dahil sa Isang Rule na Sa Amin ay applicable din ang "Single RUle". After ng interview kinausap ko Agad Siya, tinanong ang gumulong tanung sa isipan ko... Nasaan na si Abby?