kabanata 2

17 0 0
                                    

"Why did you choose psychology? " 

"Hey class are you still there? naririnig niyo ba ako"  tanong ni sir at wala akong lakas ng loob na mag unmute kinakabahan kasi ako.

"okay walang gustong sumagot?" wala pa rin talang nag unmute.

" o sige, alphabetical na lang"

fuck! letter A ako.

" Alvarez" sabi ko na nga ba ako talaga ang una

my hands are shaking while I'm  pressing the unmute button

"yes po s-sir" shit, my voice is also shaking

"Miss Alvarez, kindly introduce yourself to us and please answer Why did you choose psychology?"

" okay po sir, ahhhmm. My name is Indra Chrysalis Alvarez,  19 years old and I'm from laguna and I studied psychology because of one simple reason." ano nga ba ang reason ko

"and what is that one simple reason, Ms. Alvarez" 

"To  understand myself and others around me better sir."

" It's a simple yet interesting answer. Thank you Ms. Alvarez, next is Aragon"

I muted myself as fast as I can. kinakabahan talaga ako kapag nagsasalita sa harap nang maraming tao at kahit virtual lang nakakakaba pa rin.

i check my laptop if naka mute ba ang mic ko at naka turn off ang camera bago pumunta sa kitchen. hindi pa kasi ako nagbreakfast kumuha ako ng cup noodeles at nilagyan ko ito ng boiled water

"next is Mendoza" hindi pa pala tapos.

" Good morning everyone, I'm Skylah Jasmine Mendoza but you guys can call me sky, jas at pwede rin mine if gusto niyo... ako. char hahaha i'm 18 years old and i live in Bagui City. I choose psychology kasi gusto kong malaman kung ano ang iniisip niyo at hulaan ang inyong  mga future." pwede ba yun? kung gusto nyang manghula edi manghuhula na lang sana ang kinuha niya.

" charooot lang guys hahaha kung gusto ko naman pala manghula hindi na sana ako dito nag abala pa, makikita niyo na sana ako sa Quiapo na may dala-dalang bolang kristal. by the way, i choose psychology 'cause I used to experience low self esteem a lot. Then I decided to overcome it, so I started to read psychology books and that's it na-inspire ako at parang gusto ko na rin maging psychologist in the near future." 

" I like your energy Ms. Mendoza, thank you. you can now mute your mic.  okay sa boys naman tayo"

sayang naka turn off ang camera

" sir excuse me"

"yes Ms. Mendoza"

"Sir pwede po ba naka turn on lahat ng camera baka kasi meron pa lang artista dito sa atin at para makilala po natin ang isa't-isa. guys baka naman." 

oh my god! sinabi niya talaga yun? no freaking way

I didn't take a shower

"actually class naisip ko rin yan pero hindi ko lang sinabi baka kasi hindi pa kayo ready at first day of class pa lang naman ay orientation pa nga lang ito ng class natin"

"sige na sir, mga lodicakes face reveal naman diyan" ang kulit talaga ni Mendoza

" okay but let's make it fair. mag comment kayo sa chat box if gusto niyo o hindi kung ano ang pinakamaraming boto yun ang susundin natin"

Skylah Jasmine Mendoza: face reveal na yern!

Jameson Brian Reyes: hard pass mga erp

katelyn Santos: gammeeee

Dominic Rosales: wandat mag fa-face reveal ako

Yahel Tristan Gonzales: follow niyo muna ako sa tiktok account ko @YahelGonz mga badi

Jaira Mae Dela Cruz: wait lang mag li-liptint muna ako

shit anong sasabihin ko? ang hirap naman nito pwede naman hindi makita ang mukha.

Indra Chrysalis Alvarez: okay lang po sa akin

parang ang pormal ko naman yata 

Zander Roxas: Sir  sira po ang camera ng laptop ko, ipapaayos ko pa

Ana Marie Diaz: payag ako guys

Kaiden Eros Salazar: whtvr

Carl Martin Reviro: payag na kayo uyyyy:

marami pa ang mga nag comment pero hindi ko na binasa lahat 

parang ang saya nilang kasama 

sana all

"guys stop na sa pagcomment okay na at base sa nabasa ko mas marami  ang agree na mag turn on ng camera ang lahat so wala kayong choice dahil desisyon ito ng nakakarami sa inyo. kindly turn on your camera"

fuck! kumuha kaagd ako ng pantali ng buhok bahala na messy bun na lang kumbaga

isa- isa nang nag on ng camera ang lahat at kahit kinakabahan pinindot ko pa rin ang camera button ng laptop ko. bahala na 

ang rami pala namin nakakalula

" dahil naka on cam na ang lahat let's proceed na sa pagpapakilala ng mga boys"

isa -isa nang tinawag ni sir ang mga boys at nakakatuwa ang mga sagot nila meron naman seryoso pero kadalasan talaga ay hindi

"next is Mr. Gonzalez"

" hi guys, my name is Yahel Tristan Gonzales, 19 years old and I'm from Makati City and I choose this course because I want to know more about human behavior. thankyou" siya yata 'yong nagplug ng tiktok account niya sa chat box.

ang saya naman nila kahit first day of class pa lang nagkukulitan at asaran na

marami na rin ang nagpakilala at halos may hitsura naman silang lahat

habang nakikinig ako sa kanila hindi ko maiwasan na ipikit ang mga mata ko 

"mukhang may natutulog na" biglang bumuka ang mga mata ko at pilit tinatago ang hiya sa aking ngiti

"huwag kayong matulog class. kitang kita sa mga screen natin kung sino ang mga natutulog at kung di niyo gustong pagtawanan ang mga litrato niyo na tulog idilat nyo ang mga mata niyo"

nakakahiya

"next is Mr. Salazar"

"Good Afternoon everyone. I am Kaiden Eros Salazar, 19 years old and I'm from Quezon City and i choose Psych....."

 shit nag freeze siya

You lost internet connection







Online rambulanWhere stories live. Discover now