Hala bakit nawala? Bakit walang internet connection? Gusto ko lang naman mag-aral at makapagtapos pero bakit parang bawal? Bakit ang hirap?
Bakit parang kasalanan ko?
i keep on refreshing my laptop pero wala parin talaga, never pa naman kami naputolan kaya nagtataka ako kung bakit nawalan ng connection
mahigit limang minuto na ako nakahiga sa kama at nagpagulong- gulong hinihintay ang pagbabalik nito
sana lahat binabalikan
nakatitig lang ako sa kisame at kung saan-saan na umabot ang imagination ko. kakasimula pa lang ng klase pero iniisip ko na agad na babagsak ako.
bigla akong napatalon sa kama ng biglang tumunog ang notification sa phone ko hudyat na iyon na nagbalik na ito
" class you need to follow my rules and regulation sa subject na ito and please respect each other. regarding naman sa mga requirements niyo tatanggapin ko pa rin ito kahit late na basta may valid reason at nag approach kayo sa akin ng maayos."
ang tagal ko pala nawala hindi ko man lang nakilala ang ibang classmates ko at hindi ko nalaman kung ano ang mga requirements ni sir sa subject na ito
itinuon ko na lang ang atensyon ko sa screen ng laptop tiningnan ko isa-isa ang mga mukha ng kaklase at hindi ko maiwasan ngumiti meron kasing tulala, nakanganga, ngumingiti, nangungulangot, humihikab at kung anu-ano pa
hanggang sa may nakaagaw ng pansin ko, seryoso lang siyang nakatingin sa screen niya pero feeling ko nakatitig siya sa akin.
kahit ang totoo sa camera talaga siya nakatingin
nakasuot siya ng hoodie at specs medyo matchy- matchy pala kami ng suot
kaiden Eros Salazar pala ang name niya at sya 'yong nagpakilala pero biglang umipal ang wifi namin at bigla na lang nawala
napansin ko rin 'yong babae na madaldal at nag request ng face reveal, magkatabi na kami ngayon sa google meet at mukhang gumagamit ito ng phone niya dahil kanina pa siya nakangiti habang nakayuko
"bye class, see you on next meeting. enjoy your lunch and you can now leave." bigal naman nagsialisan ang iba at hinintay ko muna na maging 12 ang participants bago mag leave
"oh pinadala ni mama at ubisin mo daw lahat yan para may maisagot ka kapag tinanong ka"
"hoy kasama rin ba ang batok sa pinadala ni mama!" binatukan ko rin ang kapatid ko medyo napalakas nga lang yong ganti ko
" nag start na ba ang klase niyo bibi" sabi ko habang binubuksan ang binigay niya sa aking pagkain
" bibi mo mukha mo! yuck nakakadiri ka" nakahwak siya sa tiyan niya at nagkunwaring nasusuka sa sinabi ko.
"bibi ka naman talaga, diba nga Bastian Blake ang pangalan mo at bunso ka pa namin" kukurotin ko na sana ang pisngi niya pero tinabig niya agad ang kamay ko.
"apaka oa naman nito. umalis ka nga dito! alis! chupi! get out" tinulak ko na siya pero ayaw pa rin talaga magpatalo ng batang 'to.
"bagay nga sayo ang course mo dahil mukha kang baliw!"
"bastos kang bata ka! inunsulto mo ba ang kurso ko? ang kapal ng mukha mo ikaw nga nag STEM ka pero hindi mo kabisado ang multiplication table, division at kahit nga 1+1 gingamitan mo pa ng calculator." binato ko siya ng unan , kumot, tsinelas at kung anu-no pang nahahawakan ko pero mas lalo lang ako nainis dahil palagi siyang nakakailag.
" wow coming from you pa talaga eh ikaw nga hindi mo alam paano sagutan ang greater than at lees than hanggang ngayon hindi mo parin saulo ang symbol nila. mas bobo ka sa akin uy" binato niya sa akin pabalik ang mga gamit na nagkalat sa sahig at kahit anong ilag ko ay natatamaan pa rin ako nito.

YOU ARE READING
Online rambulan
RomanceHow can you recover in life when it seems like you've fucked up everything? I am totally fucked with my life. My friends are fake, I don't have a partner, my parents have very high expectation on me . I am nothing . The only thing I am good at Disa...