kabanata 4

11 0 0
                                    

"How's online class Indra?"tahimik lang kaming lahat na kumakain ng biglang basagin ni papa ang katahimikan

"As of now po okay pa naman dahil kakasimula pa lang ng klase pero ewan ko na lang po sa mga susunod na araw." nakangiti kong tugon kay papa

"dapat talaga galingan mo Indra dahil huling chance mo na ito"

biglang nawala ang mga ngiti sa labi ko at nawalan na ako ng ganang kumain kaya tango lang ang naging tugon ko.

"ikaw naman tsian kamusta na ang pag-aaral mo? second week na ng klase nyo diba." mabuti naman at tinanong ni mama ang kapatid ko dahil kung hindi malamang tustado na naman ako ni papa.

"okay naman ma at ako po ang top 1 sa klase" nagmamayabang na sabi ni tsian

"talaga ba anak? sigurado ka ba diyan sa mga pinagsasabi mo?" halata sa mukha ni mama na hindi siya naniniwala dito

kahit si papa ay nakakunot rin ang noo

tanga na lang talaga ang maniniwala sa kapatid ko

"Top 1 po ako sa kagwapuhan hahhaha unang araw pa lang ng klase namin halos lahat ng kaklase kong babae ay nag-add sa akin sa facebook at may nag chat pa" hindi na kami nabigla sa biro nyang yun.

expected na ng lahat na 'yun talaga ang sasabihin niya.

"baka gusto lang humingi ng asnwer anak kaya nag chat?" natatawang sabi ni papa

"ano naman po ang ibibigay ni tsian na sagot eh wala namang laman ang utak niyan" sumabat na rin ako sa usapan nila

" nga naman" at nagtawanan na kami nila mama

nakakatuwa lang isipin na pagdating sa kapatid ko ay nagkaka sundo kaming lahat

pero kapag tungkol sa akin na ang usapan......

salamat na lang sa lahat

" sige lang tawanan mo lang ako indra! makakabawi rin ako sayo" tinuro niya pa ako gamit ng kutsara niya

"Bastian! ilang beses na kitang pinagsabihan na tawagin mong ATE ang kapatid mo mas matanda siya sayo ng tatlong taon at hindi magandang pakinggan na tinawag-tawag mo lang siya sa pangalan niya." seryosong tugon ni papa

"yes pa, sorry po" nakayuko niyang sabi pero ng magtagpo ang mga tingin namin ay bigla niya na lang ako inirapan.

kung hindi ko lang siya kapatid matagal ko ng dinukot ang mga nito sa kakairap niya sa'kin

matapos namin kumain ay nagpaalam na ako sa kanila na matutulog na ako

"pa, ma akyat na po ako at medyo na pagod po ako sa first day of class namin"

"sus! Huwag kayong maniwala Kay ate pa, manunuod pa yan ng Kdrama at hindi yan matutolog" bigla akong napahinto at tinitigan ko ng masama si tsian

"look at ate pa, ang sama ng tingin niya sa akin dahil sinabi ko sa inyo ang plano niya!" tinuro ako ng kapatid ko umiling-iling pa siya na parang dismayado sa kinikilos ko.

"Indra tigilan mo na nga ang kakanuod ng mga palabas na yan wala ka naman makukuha diyan. imbes na panunuod mag advance reading ka na lang para naman may maisagot ka kapag tinanong ka ng teacher mo at hindi masayang ang pinang-bayad namin na tuition ni mama mo"

"yes po, pa."

lumabas sila mama ng bahay Para magpahangin at kami na lang ni tsian ang naiwan sa loob.

"tsian" he's in sala right now at habang nakaupo ay tinawag ko siya gamit ang pinakamalambing kong boses

"pakyu sagad!" tinaas ko ang dalawang middle finger ko sa ere  at tinitigan ko siya ng titig na parang sinusunog na siya sa empyerno

Online rambulanWhere stories live. Discover now