"Punyeta kang bata ka!" sigaw ni auntie sakin habang hinahampas niya ako ng sinturon. Masakit sobrang sakit."Auntie tama na po please, ahh-ray, auntie!" daing ko. Ayaw kong umiyak. Ayaw kong ipakita sa kaniya na mahina ako. Pero hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng luha ko.
"Aba't sumasagot ka na ngayon tang - ina mo! Ginagalit mo talaga ako. Sana mamatay ka na! At dahil sinuway mo ako, lumayas ka na sa pamamahay na 'to. Hindi naman nagpapadala ng pera ang nanay mo kay mas mabuting mawala ka na dito." gigil niyang sabi sa' kin.
Sa sinabi niyang iyon tuloy- tuloy na ang hikbi ko. Hindi ko na kaya ang sakit. Gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng mamatay, wala na mang nagmamahal sa'kin, walang nag-aalala, at walang nagpapahalaga. Tumayo na ako at pinagpagan ang sarili, hinarap ko na si Auntie.
" Kung 'yan po ang gusto niyo, aalis na po ako, maraming salamat po sa pag-alaga sa' kin. Akyat na po ako at mag impake ng mga gamit. Aalis ako mamaya"
Pagkasabi ko nun tuloy-tuloy akong pumunta sa kuwarto ko at nagsimilulang mag impake.
----
"Auntie aalis po ako, salamat po" mahina kung sabi sa kaniya. Tumingin siya sa'kin ng masama. Ngumiti lamang ako sa kaniya at tinungo ang pintuan.Sa totoo lang masaya akong umalis sa bahay ni Auntie. Masaya ako dahil sa wakas nakalabas na ako sa mala- impyernong bahay niya. Gumaan ang loob ko. Pero nanatili pa rin sa puso ko ang poot at galit na nararamdaman ko para sa kaniya, sa kanila, pati na rin sa nanay ko.
Nag - abang ako ng tricycle para pumunta sa terminal. Hindi ko alam kolung saan ako pupunta, wala akong matatakbuhan. Pero bahala na, si Lord na lang ang bahala sa'kin.
-----
Dinala ako ng tadhana sa lugar kung saan naging payapa, at maayos ang buhay ko. Sa lugar na ligtas ako, sa lugar kung saan wala akong kinatatakutan at higit sa lahat wala akong problema. Masaya akong namuhay na mag-isa.Malayo sa Maynila. Tahimik at payapang lugar.
Ang lugar ng San Francisco.This is a collaboration of ideas of me and @Clairemylauvz
BINABASA MO ANG
Learning to Love
General FictionWhat will happen to Zeph? Who will she learn to love? Will it be worth it?