CHAPTER 1

0 1 0
                                    

ZEPHANIAH

"Nay, tutuloy po ba tayo sa park para magpicnic?" tanong ko kay nanay. Sabi kasi nila tatay kahapon na mamasyal daw kami sa park, siyempre excited ako.

"Zeph anak, hihintayin muna natin ang tatay mo ha? Baka may tinapos lang siya sa trabaho niya, kaya siya natagalan" sabi ni nanay.

Ngumiti langko sa kaniya, naiintindihan ko naman kaya okay lang.
Ilang minuto, hindi ilang oras kaming naghintay pero wala pa rin si tatay nag-aalala na kami dahil ang tagal niya. Usually uuwi siya sa bahay around 7:30 ng gabi pero alas nuwebe(9) na wala pa siya. Nag-antay kami ni nanay sa sala. Hindi nagtagal may kumatok, binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin si tatay na mukhang pagod na pagod galing sa trabaho.

"Reynaldo ba't ang tagal mong umuwi?" nagtatakang tanong ni tatay sa kaniya.

"Pasensiya na mahal, pinag overtime ako ng boss ko ngayon, hindi niyaako pinayagang mag under time kanina. Bukas na lang daw ako aabsent" paliwanag ni tatay. Ngumiti ako sa kaniya.

"Ibig sabihin po ba, marami tayong oras bukas para mamasyal at magpicnic sa park?" excited kong sabi kay tatay, siyempre 10 years old pa lang ako kaya mahilig ako sa pamamasyal.

Binuhat ako ni tatay. "Oo, anak kaya matulog ka na para marami kang energy bukas" tapos hinalikan niya ako sa noo.

"Yehey, aasahan ko po 'yan tay, Sige po matutulog na po ako" hinalikan ko sa pisngi silang dalawa ni tatay at nanay. "Goodnight" tumawa lang silang dalawa.
"Ikaw talaga, ang kulit mo" gigil na sabi ni nanay. Ngumiti lang ako.

Sa buhay ko wala na akong hihilingin pa. Kumpleto na lahat. Masayang pamilya na puno ng pagmamahal. Hindi man kami mayaman, pero kuntento na kami kilung ano ang mayroon sa'min ngayon.

Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binigyan niya ako ng mapagmahal, maalaga at masipag na nanay at tatay.

Pero naging magulo ang lahat, nag-iba ang tadhana. Hindi ko alam kung bakit, pero ang sakit sa tuwing naalala ko ang lahat parang tinutusok ng libo- libong karayom ang puso ko.

Nawala ang dalawang mahal ko sa buhay, naging miserable ako kaya nauwi ako sa ganitong sitwasyon. Palagi kung tinatanong sa sarili ko kung bakit? Bakit nila ako iniwan? Masama ba akong tao? Hindi oa ba sapat ang mga sakit na nararamdaman ko?

Nabalika ko sa katinuan ko ng tinawag ako ni Bianca, katrabaho at bestfriend ko dito sa San Francisco.
"Hoy Zeph, okay ka lang? Ba't ka tulala?" tanong niya.
"Ha? Wala may iniisip lang" palusot ko.

Sa kabila ng nangyari sa sa'kin nagpatuloy pa rin ako. Dahil nakahap akong mga tao na masasandalan ko sa tuwing may problema ako.

Isa lang ang masasabi ko ngayon. Magiging masaya rin ako.

Learning to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon