CHAPTER 2

0 1 0
                                    

Nandito kami ngayon ni Bianca sa 'J Mall'. Maaga kaming pinauwi ni Boss Joey sa trabaho, kaya naisipan naming dalawa na mag-grocery.

"Bhe, sa meat section lang ako. Dun ka sa can goods ha?". Tumango lang ako sa kaniya at naglakad papuntang can goods. Pagkatapos namin, nagbayad na kami sa cashier.

"Bhe bili muna tayo ng pagkain nagugutom ako eh" aya ko sa kanya. Bumili kami ng pizza at softdrinks, naisipan namin na sa bahay na lang kakainin.

Nakauwi na kami sa apartment, pagkatapos naming maayos ang mga pinamili, nagsimula na kaming kumain.
"Bhe saan nga pala yung magulang mo?" tanong niya sakin na ikanagulat ko. Ngumiti lang ako sa kaniya ng malungkot. 'Di ko alam kung paano sasabihin sa kaniya ang nakaraan ko dahil ayaw ko talagang mag kuwento sa buhay ko. Ayaw ko ngbalikanang nakaraan.

"Ah, wala na sila"sabi ko sa kanya. Hindi pa ako handang mag-open sa kankya dahil sariwa pa sa' kin ang mga nangyari sa nakaraan. Baka sa susunod pag nagkaroon na ako ng lakas ng loob.

Pagkatapos naming mag-usap, nagpaalam na kami sa isa't isa na matutulog na. Hindi na naman siya nagtanong ulit tungkol sa magulang ko kaya iniba niya ang usapan namin.

Pumunta ako sa kuwarto, naglinis ng katawan, tapos inayos ko na ang kama para matulog. Hindi ako makatulog, 10 pm na.
"Ahyt Zeph, matulog ka na maaga ka pa bukas. Naku 'pag na-late ka siguradong papagalitan ka ni sir Joey"
Nababaliw na yata ako, hindi nagtagal nilamon na ako ng antok at nakatulog.

"Anak masaya ka ba? Maglaro ka na 'dun" sabi ni tatay sa' kin. Nandito na kami sa park. Hehe, masaya ako ngayong araw na'to.

"Sige po, Nay maglalaro lang po ako sa swing"
Ang ganda talaga ng park, gusto kung pumunta palagi, pero alam kong hindi mangyayari dahil may trabaho si tatay. Kaya lubos-lubosin ko na ngayon. Hehe.

"Yohooo. Yehheeyy. Yahhoooo" sigaw ko habang naglalaro sa swing. Ang saya.
"Anak, Zeph, halika na kakain muna tayo" tawag ni nanay sakin.
"Mamaya na Nay hehe"
"Zeph sige na kain muna tayo at magbihis ka na rin dahil pawis na pawis ka na anak., magkakasakit ka 'pag  natuyuan ng lawis ang likod mo. Naku"
"Okay po Tay"

Pinagbihis ako ni Nanay damit, pagkatapos inihanda na nila ang pagkain.
"Wow ang sarap. Hehe. Fried chicken. Hmmm. Ang bango". Yes, sa wakas makakatikim na ulit ako ng fried chicken. Kasi naman po tuwing sweldo lang ni tatay kami nakakatikim ng masasarap na pagkain, madalas kasi ulam nami ay gulay o ginisa.
"Nagustuhan mo ba anak?"
"Opo tay, salamat. I love you Nanay at Tatay"
"Mahal ka rin namin aming munting prinsesa"

Habang kumakain kami, bigla na lang inubo si tatay. Binigyan namin siya ng tubig. Ng umubo ulit siya may kasama ng dugo kaya nagulat kami ni nanay nag-alala at natataranta kaming humingi ng tulong.

"Tulong, tulong, tulongan niyo ang asawa ko" sigaw ni nanay maraming pumunta sa'min yung iba nagtawag ng ambulansiya.

"Tay?" tawag ko sa kaniya. Naiiyak na ako. Si tatay ayoko siyang mawala. Nangiginig yung kamay niya. Patuloy na lumalabas sa bibig niya ang maraming dugo.

Nasakay na siya sa ambulansiya at dinala sa malapit na hospital. Sumama kami ni nanay. Nag-alala ako kay nanay tulala lang.

Nakarating kami sa hosputal diretso na dinala si tatay sa emergency room. Kami ni nanay nag-antay lang sa labas at hinintay ang resulta.

"Family of the patient?" tawag ng doktor.
"Kami po, kumusta po ang asawa ko?"
Huminga ng malaim ang doctor. Sa totoo lang kinakabahan ako.
"I'm sorry, ginawa na po namin ang lahat, critical po condition ng asawa mo" sabi ng doktor. Nagsimula na kaming umiyak ni nanay. Ayokong maring ang resulta

"I'm sorry but your husband died due to overworked. Hindi siya natutulog at kumakain ng maayos kaya na trigger ang health niya. You can go to his room. Excuse me" laalam ng doktor

Sumilip ako sa pinto ng kwarto tiningnan ko ang walang buhay na katawan ni tatay. Wala na ang tatay ko. Wala na ang superhero ko. Wala na. Umiyak ako ng umiyak. Si nanay rin tulala. Paano na kami ngayon.

Lumapit ako sa kama at hinawakan ang kamay niya. Bumuhos ang luha ko, parang pinipiga ang puso ko.

"Tay, Gumising ka na po. Uuwi na tayo. Magpipicnic pa tayo. Promise, magiging mabait na ako. Tay?
Humikbi ako at nagpatuloy.

" Tay bakit mo kami iniwan? "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Learning to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon