PROLOGUE

69 4 2
                                    

Nagising ako sa sigawan nang kapit bahay. Ayan na naman sila. Away na naman. Tangina nakakaurat na sila eh. Ang aga aga pa.
Napatingin ako sa wall clock.
7:00?! Aysh*t! Late na ko!

"Alas siyete na. Haha" Nagulat din ako nang pumasok si Lola sa kwarto at pinagtawanan ako.
Tumakbo na ako papuntang CR. Muntikan pa akong madapa dahil sa pag mamadali.

Ako nga pala si Stacy Andrea Salvador.
Half Korean. 20 years old. At Graduating na this school year. Dito lang ako nakatira kay lola. Si mom at dad lang ang nakatira sa bahay namin. Silang dalawa lang. Iniwan ko sila noon. Nung nalaman kong magkagalit sila at may planong mag divorce. Kaya nga wala akong kapatid.

"5. 4. 3. 2. 1" sigaw sigaw naman ni lola sa labas. Naku si lola talaga. Pag na li late ako ganito ginagawa niya eh.

Nakapag bihis na ako at ready nang pumasok. Nag hihintay na sana ako nang sasakyan nang tawagin na naman ako ni lola.

"Stace. Kunin mo pera mo sa mesa. 1 week na baon mo na yan. Hahaha" alam kong joke na naman yun ni lola. Bukas bibigyan niya ulit ako. Talagang makakalimutin lang talaga si lola.

Kinuha ko ma ang pera at sumakay na sa sasakyan. "BYE LA" Sigaw ko habang lumalabas na sa garahe ang sasakyan.

-

Nakarating ako sa paaralan. Mabuti nalang at monday ngayon. Pwedeng mag late kasi late din dumadating ang mga prof.

Nakakabitter lang nang nakikita ko. Si Nicole at JR? Nag hoholding hands? Ano? Sila na? Ge. Mag bibreak din sila. Walang forever.

Nung naka pasok naman ako sa room. Si Kennt at Kathleen? Naglalandian? Akala ko ba, kumukulo ang dugo ni Kathleen pag kasama niya si Kennt?

Tapos bigla namang pumasok si Yohan at
Faith. Naka holding hands din?

Seryoso? Eto ba epekto nang Valentines sa kanila? Ba't bigla nalang silang nagkatuluyan? Ba't bigla nalang. Hays. Kainis. Lahat ata biglaan. Sana bigla ding maging okay sina mom at dad. Yun nalang wish ko this Valentines.

Hahahahaha. At sa Valentines pa talaga ako nag wish ha. Nababaliw na ako.

Umupo na ako dun sa grupo ko. Sa Bitter Corner. Yan tawag sa'min. Puro kasi kami single. At bitter. Di kami naniniwala sa love. Kasi nga. Alam niyo na. Mag bi break din sila.
-
A/N: okae ba? Hahaha. Sige.

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon