Andrea's POV
"Haaaaaaaaay" napa Hay nalang ako. Boring nang class. Buti nalang at tapos na.
Di ko naalala ang nangyari kanina sa klase. Kasi nga. Tulog ako. Hahahaha.
Inaantok pa rin ako eh. Masisisi ba nila ako? Sisihin dapat nila ang mata ko. Kasi ayaw dumilat."Ay tangina!" Napasigaw ako nung nabangga ako ni Andrew. Tangina lang kasi. Di ba niya ako nakikita dito?
"Hahahaha" So ganun lang yun? Nabangga niya ako tapos pag tatawanan lang? Ge. Ikaw ang mag patunay na may forever. Kasi Forever kang ulol!
"Andrea!" Narinig ko nalang na tinatawag na ako nang driver.
Tumakbo na ako at sumakay.
Tahimik lang ako sa loob nang sasakyan. Nang tinanong ako ng driver.
"San po tayo?" Di ko alam kung saan ako pupunta. Mag Mall na kaya muna ako? Ay wag na. Uuwi nalang ako at matutulog.-Beep-
Tumunog ang phone ko at agad ko namang binasa ang text message.
Si Mom lang pala.-Mother Dear-
From: Anak, uwi ka muna dito sa bahay. Umalis si lola mo. Dun muna siya sa bahay ng kapatid niya sa probinsiya. Wala kang uuwian jan.
To: K
-"Manong, sa bahay nalang po. Di na muna ako uuwi kina lola."
"Sige mam"
Pagdating ko sa bahay, as usual. Walang tao. Kasi nga nasa trabaho silang lahat. Si Mom at Dad may kanya kanyang business. Actually, may plano talaga sila Lolo na magjoin companies. Natuloy nga kaso lang nag hiwalay ulit nung nag plano si mom at dad na mag divorce.
Dumiretso na ako sa kwarto. Wala naman akong gagawin. Matutulog na muna ako.
Nagising ako sa sigawan. Magandang alarm ang sigawan no? Gising agad ako.
Pero di ko alam kung san galing ang sigawan. Inayos ko ang sarili ko at bumaba sa sala.
Nakita ko lang naman si Mom na tinatapon ang mga gamit ni Dad palabas nang kwarto.
"Umalis ka dito! Wala kang ginawa kundi saktan ako! Umalis ka na! Ayoko nang makita ang pagmumukha mo!" Sigaw ni Mom kay Dad.
Napaupo ako sa hagdan. Di ko kayang makita to. Kaya nga lumayo na ako.
Pinulot ni dad ang mga gamit niya sa sahig at inayos ito. First time kong nakita si dad na umiiyak. Niyayakap niya si mom pero umiiwas ito.
Di ko kayang makitang nag iiyakan sila. Bakit di pa nila kayang ayusin 'to?
Napatulo nalang ang luha ko habang pinapanuod sila. Di ko din napigilang humikbi.Narinig iyon ni mommy, nakita niya akong umiiyak sa hagdan. Tumayo nalang ako at tumakbo pabalik sa kwarto.
Naramdaman kong sinusundan ako ni mom kaya nilock ko ang pinto.
Dumapa ako sa kama at umiyak. Di ko na kaya 'to. Gusto ko nang lumayo. Puro away nalang nakikita ko ditoNakatulog siguro ako kakaiyak. Tinignan ko kung anong oras na. Alas otso na pala. Siguro ok na sa baba.
Bababa na sana ako nang may nag text sa kin.-Nicole-
From: Oyyyyy! What page yung gagawin? Saka kailan ipapasa? Reply please.
To: Page 132. Saka bukas ipapasa. Di ka talaga nakikinig. [❌FAILED]
To: Page 132. Saka bukas ipapasa. Di ka talaga nakikinig. [❌FAILED]
-Di na send?! Shet wala na siguro akong load. Makikitext na muna ako kay mom. Importante naman 'to.
Bumaba na ako at hiniram ko ang phone ni mom.
Pumunta ako sa kwarto nila at nakita kong walang tao. Hinanap ko naman silang dalawa pero wala talaga sila.
Ay bahala sila sa buhay nila. Basta ko, may pagkain lang sapat na. Ay joke.
Nasan na kasi sila?! Iniwan na naman ako? Ba't palagi nalang ganito?