Chapter 1

87 7 0
                                    

Ellanna dela Cruz 

"Kring - kring - kring ---" Ang ingay! Ano bang meron -- oo nga pala! First day ng school. Argh!

Name's Ellanna dela Cruz. Call me 'Ella for short', 16 yrs old, at nag-aaral as a high school.

Pinatay at binaon ko na sa lupa ang alarm clock ko.

Joke.

Hinagis ko lang naman sa mga nakadisplay na stuff toys sa kwarto ko.

Nagtoothbrush, naligo, nagbihis, at nag-ayos ako ng mabilisan para sa school. Nang makababa ako binate ako ng maid namin.

"Good morning po, ma'am!" bati niya sa akin.

"Good morning den! Nasaan sina mama?" napasin kong wala sila.

"Nananaginip po ba kayo?" tanong niya. Oo nga pala patay na sila. Kahit na ilang taon na ang nakalipas di pa rin ako sanay.

"Ah hinde. Pasensya na." Sabi ko. Umupo na ako sa upuan ko at kumain na. Nang natapos na ako bumaba naman si ate. As usual, hindi kami nagpansinan at dedma lang. Umalis na ako agad kasi baka maistorbo ko pa ang mangkukulam (ate) sa kanyang ritual.

"Hindi  po ba kayo magpapahatid?" tanong nung isang maid.

"Ah, hindi na. Walking distance lang naman eh." nginitian ko siya at umalis.

Base sa nakita (nabasa) niyo kanina sa amin ni ate, oo di kami close. . . or should I say 'galit' kami - siya sa akin. Nung namatay ang parents namin, ako ang sinisisi niya sa pagkamatay nila. Wala namin kasing may kasalanan eh, kaya nga aksidente. At yun ang resulta may sarili kaming mundo.

Nandito na pala ako sa harap ng school. Nakita ko sa bullitin board na 213 ang classroom ko sa may 2 building. Nakita ko rin ang pangalan ni Aina Sanchez, ang bestfriend ko. Marami akong friends dito pero si Aina lang a pinakaclose sa akin.

Naglalakad palang ako sa may corridors nang nakita ko si Aina.

"ELLA!" Sigaw ni Aina habang kumakaway.

"Hindi niyo ba nakikita na bawal sumigaw dito during class hours o mourning assembly?!" tanong ng isang teacher. Napatawa lang ako ng mahina habang nagsosorry si Aina sa teacher. Miss ko na siya. Pagkatapos nun ay tumakbo na siya papunta sa akin.

"Isa pa yan, no running at the corridors." tumawa ako ulit.

"Oo na. Oo na." sabi niya habang nagpa-pout. "May bago sa bakasyon mo?"

"Wala. Ganun parin ang cycle." Ngayon eto naman yung part niya para tumawa. Totoo naman ah! Ang ginawa ko lang naman ay, Gising - Kain - Gadgets - Kain - Tulog - Gadgets - Kain - Tulog.

"Eh, ikaw." tanong ko.

"Ah wala ring nagbago. Alam mo ba, si Carlos Manalili yung heartthrob ng UP ay nagtransfer sa school natin." Umiiral nanaman sa kanya yung pagiging tsismosa niya.

"UP Diliman yun hindi ba?" 

"Oo. Paano mo alam? Wag mong sabihin --"

"Of course, I'm not. Hindi naman ako slow no. And pwede ba?" Totoo naman! Nakita ko lang sa isang website. 'Yahoo!' to be more specific.

 Pagpasok namin sa classroom, napakaingay nila - kasali rin kami. . . Hindi namin namalayan na tapos na pala yung morning assembly. After nun, nanahimik yung lahat. Akala ko yung teacher yung pumasok, si Carlos Manalili 'lang'. Hindi niya ako fan eh!

Wait, what the fuck!

Oopsie! Sorry. FYI lang ha, madalang lang akong magsabi ng bad words katulad ni Aina, in case na worse coms to worst. . .

'Bat sa tabi ko?! Hindi sa kinikilig ako eh alam kong magiging maingay lang kasi yung sa tabi ko, dahil sa yung ibang babae eh lalapit at titili na ayaw ko tuwing study time na minsan ay recess, lunch, o pagwalang teacher

"Hi," sabi niya and as I preditect maraming babae ang tatabi sa kanya at titili. Marami ring makakapal ang make up na pumwesto sa harap namin. Nasa pinakalikod kasi kaming dalawa ni Aina para walang istorbo pero nang tumabi siya, wala sira ang plano. . . 

"Ang swerto mo, " bulong sa akin ni Aina.

"Gusto mo, palit tayo?" tanong ko.

"Sure ka?" Halatang kinikilig, "Wait muna, pagiisipan ko - sige."

Magpapalit na sana kami ni Aina nang biglang dumating yung homeroom teacher namin. Panira.

"Class, that wasn't nice for you to skip the Morning Assembly." sabi niya sa amin. Wala tahimik ang lahat. " I'm Miguel Cortez, Homeroom teacher for this school year. That will be your permanent seats OK?" tanong niya. Yung ibang babae ay tumingin sa akin ng masama. Big deal ba talaga 'to?

"In the next three days, we will be having our election for for the officers. . . . . " Tuloy-tuloy na siya, ako naman di na ako makafollow sa kanya. Ugh!

This day, half y lang kami kasi nga first day. 'Bait ng school - or rather principal no?


Ang tunog ng bell ang gumising sa akin. Tinulog ko lang pala yung buong homeroom. . . at recess na. Yesh!

"Uy. OK ka lang ba?" Late ka bang natulog kagabi? Buti nga nasa huli tayo eh." Concerned Mother lang ang peg niya ngayon.

"Oo late na. You know. . . " sabi ko. Ewan kahit maaga akong natutulog puyat parin ako. Ang weird nga eh, dati pa 'to kaya nasanay na rin ako.

"Pinangsulat na kita ng notes. Nadiyan nakasulat sa red na notebook mo." sabi niya sa akin habang tinuturo niya yung bag ko.

"Thanks!" sabi ko.

"Hoy, para sa akin din yan no. Makiki-update rin ako sa'yo." tumawa lang siya. Pumunta kami ng rooftop, ang usual tambayan namin. Nang nasa may rooftop na kami linabas ko na yung iPhone 20 ko. Si Aina yung laptop niya yung linabas niya at isang bowl ng marshmallow. Nakikiwi0fi lang minsan kami. Pagmabagal may backup na dalang wifi si Aina. Teehee~!

Buong recess ginagawa lang namin ay magwi-fi at kumain ng marshmallow. Hangang sa may narinig akong haminang humihilik.

"Ai, naririnig mo yun?" yung humuhilik?" tanong ko sa kanya.

"Hmm." Itinigil niya yung paglalaptop at nanahimik ng kaunti.

"Saan siya galing, sa tingin mo?" tanong ko, kinakabahaan ako kasi wala akong nakitang pumasok eh. Tumayo siya.

"Sa likod nun." Itinuro niya yung room kung saan kami pumasok at tumakbo siya sa likod nun habang sumunod lang ako.

Katulod nang sinabi niya, naroon nga yung humihilik, si Carlos Manalili. Natawa lang ako kasi 'feel-at-home' yung pwesto niya. Si Aina naman ay namumula.

"Sige, ikaw nang - "

"Ikaw nalang, Ella. Hindi ko kakayanin eh! Madodouble dead ako nito." Tumakbo na siya.

"Hoy! Wag kang maarte!" tumawa lang ako ulit.

Lumuhod ako sa tabi ni Carlos para gisingin siya.pero naputol yun kasi bigla niya akong hinila at yinakap.

"Diana. . ." sabi niya.

Hoy! Gising kaba o tulog! Bitaw! Hindi ako si Diana!" Sinisigawan ko na siya.habang namumula ako. Never in my life ako ganito kapula. Oo na alam kong plinano nito ni Aina kaya siya tumakbo agad. Pulang-pula ako kasi bukod sa Papa eh wala pang lalaki ang yumayakap sa akin.

Hindi na ako makahinga! Patay ka sa akin Aina!


[A/N: HIIIIII~! Jenna, eto na yung story...di ko makita account mo, bes. Tbh nacricringe ako dito xD]

Faking Innocence [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon