Chapter 3

3 0 0
                                    

Unkown's POV

"Lagay doon, lagay dito. Mabuti nalang at maaga siyang natulog." ngumisi lang ako.

"Kailan ko kaya matutupag yung last wish niya?" Ganun talaga, ako lang mag-isa at ayaw kong nakikipag-usap sa iba.

"Wag kang mag-alala, si ate ang mauuna tapos ang mga inaaway ka, mga kaibigan, ang love life at panghuli: ikaw~." Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang natutlog niyang pigura sa kama.

"Happy ending para sa lahat." Naglagay ako sa secret compartment sa bag niya ng swiss army knife.

"Yan! Ayos na, ngayon ang kailangan nalang natin,..." tumingin ako sa bintana at sa langit na puno ng mga kumikislap na bitwin nang nakangisi, "ay oras at isang magandang meteor shower."

"Ma'am?" Meh nagsalita galing sa likod ng pinto, yung boses na nakakairita. "Pinatawag niyo po ako?'

"Bukas yung pinto, Manang." Nagtago ako sa likod ng pinto.

"Ah sige po, ma'am."

Pagbukas niya ng pinto, tinakpan ng panyong may pampatulog yung bibig niya. Matapos niyang mawalan ng malay, kinaladkad ko siya pababang basement at doon, sa isang tagong kwarto na ako lang ang may hawak ng susi siya ikinulong. Dalawang ways lang pano mabubuksan yung pinto, una: ang copy ko ng electric key at pangalawa:  yung malakiilog sa gitna, para kasing safe yung room.

Mahigit kalahating oras siya natulog at nung pagkamulat ng kanyang mga mata ay ipinasulat ko na sa kanya ito:

'Ma'am Lucy at Ma'am Ella, nagreretire na po ako bilang head maid dahil sa tawag ng aking pamangkin mula sa Bulacan, ipadala niyo nalang po ang huling sahod ko sa account niya. Pasensya na po kung biglaan. PAALAM PO... -Manang Greg.'

Tinignan ko muna yung papel kung tama ba yung sinulat niya. Well, tama lahat, lalo na yung nakacapitalized letters.

"Wala ka nang huling habilin?" tanong ko sa kanya gamit ang orihinal kong boses habang sinusuot ang mga gloves.

"H-ha?" Halatang nanginginig siya sa takot at hindi ko maintindihan ako mga sinasabi niyang pagmamakaawa. "Nangako k-kang papakawalan mo a-ako a-at dodoblehin ang sahod ko kung su-susunod ako sa p-pinapagawa mo."

"Sa tingin mo gagawin ko talaga iyon?" wika ko at ramdam kong nakangisi ang aking bibig.

"Kung sino man po kayo, please...wag niyong gawin toh...please po. Maawa kayo."

"Kahit sumigaw ka, walang makakarinig sa iyo dito sa baba."

Nakita ko sa mga mata niya na nakatitig sa pinto at nakaisip ng isang magandang ideya. "Sige, pakakawalan kita kung makikipaglaro ka sa akin." 

"Pero pagnatalo ka," Binuksan ko ang ilaw, kitang-kitang kinilabutan yung maid ng makita ang nakapaligid sa kanya. 

"Hindi ba ang ganda ng koleksyon ko? Ikaw naman ang idadagdag ko dito, ang gaganda ng mga mata mo, alam mo ba yon?" Nakuha ko ang atensyon niya ng muling nagsalita ako.

"Magsimula na tayo!" Sigaw ko.



***

Good evening! Iclyn here once again! O diba? Sabi ko sa inyo eh, cringe worthy toh AHAHAHAH Ang hirap basahin ng sulat ko nung elem, tahid-tahid pamo saka malabo.

Sige, matutulog na ako, good night pipol. XD

Faking Innocence [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon