"Nasaan ka~." Pakanta kong tanong. Di naman gaano kalakihan tong kwarto pero maraming shelves ang nakahilera dito sa loob at kaunti palang ang napupuno ko. Ang ayaw ko lang ay baka mabasag ang mga koleksyon ko habang naglalaro kami pero naeexcite ako kasi antagal ko nang di nakakapaglaro sa dilim!
Napatigil ako sa ginagawa kong mabagal na paglibot dito, may narinig akong gumalaw galing sa kanan ko. Tahimik kong sinundan ang ingay, para bang tigreng lumalapit sa kanyang pagkain at kumukuha ng tyempo para umatake. Kanina pa nakapag-adjust ang mga mata ko sa dilim kaya naman naaninag ko ang tatakot na takot niyang figura sa sulok. Kahit hindi ko gamitin ang mga mata ko ay malalaman ko parin kung nasaan siya, rinig na rinig ko yung paghinga niya.
"Nandito ka lang pala." wika ko at sinunggaban ang buhog niya para kaladkarin siya papunta sa harap ng mga shelves.
"DEMONYO." Sigaw niya at pilit na nagpumiglas. "TULONG!"
"Wag kang masyadong malikot, di mo magugustuhan anong mangyayari kung makabasag ka man ni isa mula sa koleksyon ko." banta ko.
Nagpabaya ako at tinamaan ako ng suntok sa may tagiliran. Nabitawan ko ang buhok niya, resulta para atakihin ako na sinundan niya ng tadyak sa tyan ko. Kumaripas siya ng takbo papunta sa pinto pero nakalock ito.
Tumayo naman ako mula sa pagkakaluhod ko, nararamdaman kong nanginginig yung buong katawan ko mula sa excitement at adrenaline. "AHA~! Malapit na, pero dapat patayin."
Hinahayan kong tumunog yung mga susi habang kinuha ko sila mula sa bulsa ko. "Osige. Di mo na ako kailangang patayin, kung mahahanap mo itong susi at makakalabas, panalo ka." Hinagis ko sa malayong sulok ng kwarto yung mga susi at narinig ko namang kumaripas ng takbo papunta sa tunog yung kalaro ko.
Punta ako sa table na nakasandal sa dingding at kumuha ng isang kutsilo, pinuntahan ko rin saan nagmumula yung ingay ng paghahanap niya ng mga susi.
"Bilisan mo sa paghahanap!"
Bigla siyang sumigaw at may narinig akong malakas na kalabog, hindi pa man ako nakakalapit sa kanya, nagkakaganyan na siya...oh, ownga pala...yung mga bangkay dito.
"Nahanap mo na ba?" Tumigil ako ng naaninag na ng mga mata ko ang nangangapa niyang katawan. Narinig ko na ang mga susi at malakas at mabilis na pagtapak ng mga paa papalayo sa kinatatayuan ko.
Ang likot naman nito.
Dinadabog niya yung pinto habang tinatry lahat ng susi sa doorknob. Di niya ata namalayang nasa likod na niya ako at handa na siyang saksakin.
Ramdam ko yung pagbaon ng blade nung kutsilyo sa likod niya, this delighted me. Meh binunot ako ulit mula sa bulsa at pinakita sa harapan niya, susi, yung electric key namakakapagpabukas ng pinto.
"Oops. Susi pala ng bahay yang mga tinatry mo."
Binunot ko yung kutsilyo at muling isinaksak ng alalim sa likod niya, wala na siyang nagawa kundi sumigaw. Inulit ulit ko yon hangang sa nanghihina na siya at napaluhod habang nakasandal sa pinto. Mistulang musika sa tenga ko ang mga sigaw niya.
"Gusto ko pang makipaglaro pero kailangan na nating tapusin toh." wika ko habang kinakaladkad ang duguang katawan niya papalayo sa pinto.
Pero satisfied na ako dito matapos ng mahaba at mahimbing kong pagtulog. Napansin kong makinis ang leeg niya kaya naman naisipan kong giitan siya. Ngayong sigurado na akong di nasiya humihinga, kinalmot ko gamit lang ang kamay ko palabas ang mga mata niya. Ang sarap sa feeling nung raw blood. Linagay ko muna ang mga mata niya sa ice box bago ko kinaladkad yung katawan niya pabalik sa dulo kung saan ko himagis yong mga susi. Tinambak ko lang kasama ng iba pang katawan ang kanya.
Hindi naman mabaho, mabango na eh, babaho lang kung dadagdagan ko pa ng air refreshener.Mag-aalastres na ng umaga ng bumalik ako sa kwarto ni Ella ng malinis at walang bahid ng dugo. Ipatong ko ang pekeng sulat sa lamesa niya na katabi ng kama.
Umupo ako sa side nung kama at pinagmasdan siya, hinihimas ko ang kanyang mukha habang sinasambit ang mga salitang, "Kailan mo kaya ako makikita ulit?" Kahit ayoko pang umalis, kailangan. Pinagmasdan ko siya ng ilang saglit bago linisan ang kwarto niya.
***
A/N: HEYO! Magandang gabi! AHAHAHAHAH nasa point of view parin tayo nung unknown na tao. Baket ko sinasabi? Wala lang. Huehuehue. Eniwez, buh-bye. Goodnight narin.
BINABASA MO ANG
Faking Innocence [UNEDITED]
Mystery / Thriller2118, sa technolohiya (at ugali) ay nakapa-unexpected. Maraming nagsusulputang bago at iba't-ibang gadgets. . . at ugali. Ellana dela Cruz, isang simpleng high school student na maraming kaibigan dahil sa kanyang kabaitan . . . at yaman. Pero nung...