I fell in love with a D.K.
Chapter 3: Grand Coronation Day!
DK's POV
Pagkatapos ko mag bihis, lumabas muna ako ng castle para magpalamig ng ulo.
Baka kung ano pa ang magawa ko mamaya, mahirap na.
"Oras na po Demon King, kakarating lang po nila sa party," -demon butler
"Sige..."
Pumasok na ako na pumunta na sa party.
Pagkabukas ng pinto...
"Nandito na ang Demon King!" Nagpalakpakan sila.
Naka upo lang si Eirenne at Eris sa upuan nila habang nagdadaldal tong si Eris...
Tatapusin ko na siya!
"Memmeh! Ano yung color brown na tubig?!" Tanong niya kay Eirenne
"Hahaha!! B-brown na tubig?!" Natawang sabi ni Eirenne
"Malamang hindi ko alam! -3- Memmeh naman eh!"
Tumayo si Eirenne at niyaya si Eris na pumunta sa may chocolate fountain, "Tara, tikman mo"
Hinawakan ni Eirenne ang kamay ni Eris at masayang pumunta yung dalawa.
Envy.
Eirenne's POV
Binigyan ko ng marshmallow dipped in chocolate si Eris... Σ(゚д゚lll)
"Waaaa!!! Ang sarap Memmehhh!!" Halos mag swimming na sa chocolate fountain si Eris kaya hinarap ko siya sakin at pinunasan yung mukha niya ng...
Sinaksak nanaman ako ni DK pero ngayon... Sinama niya si Eris.
Natatakot ako... Hindi buong Demon si Eris! Pano kung...
"D-daddah?" Biglang napa-iyak si Eris, siguro sa sobrang sakit.
"Hindi kita... Kailanga-" bago man matapos ni DK ang sasabihin niya, agad kong nilabas ang scythe ko at tinapat sa leeg niya.
"D-DK... S-sinabi ko sayo na... Kapag p-pinaiyak mo si e-eris... Papatayin kita!"
"Mas mamahalin mo pa yang bata na yan na iilang oras mo palang nakakasama kesa sakin na higit dalawang taon na?!" Sigaw ni DK
Nagulat nalang ang mga ibang tao sa paligid namin...
Tinanggal ko yung sword niya kay Eris at sakin...
Pinunasan ko yung luha ni Eris, "heh, pang 15 years old na ang katawan mo Eris,"
Nanghihina si Eris at nawalan ng malay, siguro sa hindi pa tapos ang pagdevelop ng katawan niya kaya hindi pa niya kaya ang mga ganitong bagay.
"Narinig mo ba ako Eirenne?!" Tanong na galit ni DK
Niyakap ko si Eris ng mahigpit.
Bigla nalang akong napaiyak.
At naramdaman kong niyakap ako ni DK, "Wag mo akong iwan... Hindi ko kayang mawalan ulit..."
Ulit? Huh? Nagmahal ng tao dati si DK?! H-Hindi ako ang unang tao?!
"Anong ibig sabihin mo DK?" Tanong ko
"Sigh... Nagmahal ako, pero isang anghel..." Sagot niya
Aba mas matindi pa pala sa tao! Anghel!
Nagsimula ng mag usap usap ang mga ibang demonyo at mukhang sinasadyang marinig ko.
"Pinatay ang anghel na yun diba?!"
BINABASA MO ANG
I fell in love with a D.K.
FantasyUhmm... Isang human siya dati, nang mapunta sa hell naging demon na xD Well dalawang ang authors nito Ako at si ErzaJane Huwag po kayong mag alala hindi po kami Satanist Tinuloy lang po namin yung kalokohang kuwentuhan. Sana magustuhan niyo!