PROLOGUE

16 1 0
                                    


"If only someone is only interested enough na makinig sa klase ko ay baka walang bumagsak sainyo ngayon." Matigas na litanya ng guro habang isa-isang tinitignan ang mga estudyante niyang nakayuko at walang imik na dinadamdam ang balitang walang nakapasa sa section nila.

Sino nga ba kasi ang makakapasa kung bukod sa terror ang propesor ay napakahirap din ng asignaturang hawak nito. Philisophy. Asignaturang para sa mga first year ngunit tuwing ang terror na propesor ang nagtuturo ay nagmumukhang asignaturang pang 4th year. Sa kalagitnann ng napakatahimik na classroom ay wala sa sariling napabuga ng hangin si  Darcelle. Dahilan upang matuon sa kaniya ang tingin ng mga kaklase at ng propesor na animo'y pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa pagkakalukot ng noo nito. 

"Darcelle." Matigas na usal ng propesor. 

Walang ganang napa sulyap si Darcelle sa batang propersor. Hindi nagkakalayo ang mga edad nila ngunit mas mukhang mature ang lalaki. Marahil siguro ay dahil hindi ito palangiti at palaging animo'y pasan-pasan ang buong mundo. Ngunit kung pagmamasdan ng mabuti ay meroon naman itong histsura, wala lang talagang naglalakad loob na lumapit dito dahil sa masungit at strikto nitong pag-uugali. 

"What made you failed this subject?" Diretsong tanong ng lalaki. 

This is not right. No one should address someone's failure especially if they're a professional employee who is working as a teacher. The professor knew that he is possibly making his student feel demotivated, but he needs to do this. 

Imbes na sumagot ang dalaga ay nagpatuloy ang animo'y inaantok na pagtitig nito sa propesor. Knowing Darcelle, her lazy and cold personality, kung sino man ang matitigan nito ay makakaramdam na ng hiya at kaba pero hindi ang terror nilang professor sa philosiphy. 

Nakaramdam ng sakit sa ulo ang propesor ng wala siyang nakuhang sagot sa dalaga. Pero nanatili ang titig ng singkit nitong mga mata sa kaniya. 

He rarely sees a pair of amber eyes, and despite the fact na nakaka intimidate ang mga titig ng babae ay mas gugustuhin niyang salubungin ito upang mas lalo pa niyang matitigan ang mga mata nito. Such a rare beautiful eyes, kamalas nga lang dahil sa estudyante niyang ito pinagkaloob ang ganito kagandang mga mata. 

Out of all his students. Si Darcelle lang kasi ang pinaka mahirap kausapin at turuan. The girl is amazingly unique, but she lacks the motivation to listen and learn. That made her a headache.

Dahil alam ng propesor na wala siyang makukuhang sagot sa dalaga ay naisipan na niyang ipagpatuloy na lang ang panenermon. Diverting his eyes away from the source of his headache. Muli niyang tinitigan ang tambak ng mga papel na nasa kaniyang harapan. 

"Do I failed as an educator?" Malamig na tanong nito sa buong klase. 

Walang sumagot, or maybe walang naglakas loob na sagotin siya kung kaya't muli siyang napabuntong hininga. 

Naninikip ang collar ng suot niyang polo. Dala na rin ng stress at sakit ng ulo pero pinigilan niya ang sarili na luwagan ito upang hindi siya magmukhang unprofessional. 

"I will be asking the directress to change your Philosophy professor." Huling litanya ng lalaki bago ito tumalikod at walang lingon-lingon na nilisan ang tahimik na classroom. Nang mawala sa paningin ng mga estudyante ang guro ay doon pa lang nakahinga ng maluwag ang mga ito. 

The student's celebrate. Lahat ng gusto nilang sabihin sa terror na propesor ay nabitawan nila ngayong wala na ito at hindi na sila maririnig pa. Ang kanina'y napaka tahimik na kwarto ay napuno ng mga halakhak at ingay, pero nanatili pa rin'g nakatihimik sa Darcelle. 

Tahimik na nakatitig sa pinto kung saan lumabas ang propesor. 

He's actually a great educator, sadly all the student here in their classroom does not appreciate it. 


Darcelle  Ellis. 

Simula pagkabata ay hindi na nakilala ni Darcelle ang ama habang ang ina naman niya ay masiyadong abala sa mga kasintahan nito upang asikasuhin at alagaan siya. Darcelle was once a bright and joyful little girl, but because of layered pain, trauma and bad experiences. That once little girl, became a cold and distant woman. Sa murang edad ay kinakailangan niyang magtrabaho upang matustusan ang mga pangangailangan niya.

Hindi ganoong ka miserable ang buhay niya, hindi tulad sa mga taong nakilala niya ngunit masasabi niyang napaka lungkot nito. She has no friends nor family. The only family she have is her adopted feline friend. Her Magi. The cat she named after her favorite stuffed toy. "Magi"

Ang kanina'y walang ekspresyon niyang mukha ay nagliwanag ng pagpasok sa maliit na kubo ay sumalubong sa kaniya ang kulay puting pusa. 

"Magi..." Ani ng mahinahong boses ng babae. 

Nang marinig ang amo ay agad na nabuhayan ang pusa at nagtatakbo palapit sa babae. Nawala ang pagod sa katawan ni Darcelle ng sa wakas ay mayakap niya ang maliit at napakalambing na pusa.

"Kamusta?" Tanong nito. 

Sunod-sunod na umiyak si Magi, animo'y nagkwe-kwento kay Darcelle. Bagay na nakapag lagay ng ngiti sa maamong mukha ng babae. 

Ayon sa mga kapitbahay nila ay may lahi ang kaniyang ama. Kung hindi siya nagkakamali ay minsan na rin'g nabanggit ng kaniyang ina na briton ito, ngunit hindi siya sigurado dahil wala ito sa katinuan at nasa impluwensya ng alak. Iniwan ng ama niya ang ina ng malaman na mahirap lamang ang ina niya at nagtra-trabaho ito bilang waitress sa isang club. Meroon din daw agam-agam na hindi siya anak ng ama dahilan upang tumakas ito paalis sa kanilang bahay at pabalik sa bansa kung saan ito nakatira.

Hindi naman talaga pera ang habol ng kaniyang ina sa ama niya, pero hindi nito masisi ang ama dahil kadalasan sa mga kababayan nila ay naghahanap lamang ng foreigner upang makaahon sa hirap ng buhay. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Darcelle ng makitang magulo na naman ang buong bahay at meroon'g iilang mga basura na nakakalat lamang sa sahig. 

To be more specific. Ang mga basurang ito ay kadalasang ginagamit ng ina tuwing bibisita sa maliit nilang bahay ang mga nagiging nobyo nito. Nalukot ang mukha ni Darcelle at bumakas ang matinding pandidira sa mala ginto niyang mga mata. 

She can't stand her mother's way of living. She can't stand seeing her like his, but she can't do anything. She could only watch dahil hindi niya hawak ang buhay nito. Kaya kahit pagod sa klase at trabaho ay pinilit pa rin ng dalaga na tumayo upang linisin ang kanilang bahay. 




Something Out of NothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon