Vivamus, moriendum est...
-Unknown
𝕯𝖆𝖗𝖈𝖊𝖑𝖑𝖊
Thousand of thoughts flooded my head. Sa sobrang dami ng mga salitang umiikot sa ulo ko ngayon ay halos hindi ko na sila maintindihan, but one thing is for sure. They are all regrets. Words that I did not say to my mother or anyone. I did not even have the chance to treat myself after working so hard and regret that I did not even grab the opportunity to enjoy my life.
I did not even have any friends. Hindi ko man lang nagawang sulitin ang buhay ko tulad ng isang normal na high school student. I wanted to cry. I wanted to hurt myself for wasting those chances. But how am I suppose to do that if I don't even have the physical body nor the right emotions?
After being submerge with my own regret, nagulat ako ng may maaninag akong liwanag sa hindi kalayuan. Paulit-ulit akong pumikit upang masigurado na liwanag ang nakikita ko. Mula sa kakaunting ilaw na dulot nito sa paligid ay animo'y palakas ito ng palakas. Ang kanina'y sobrang dilim na lugar ay bigla na lamang napaligiran ng kulay puti at nakakasilaw na liwanag na nanggaling sa kung anong nasa harapan ko.
"Elle..." Again. I heard the soft voice coming from a woman.
Sa pagkakataon na ito ay nag-iisa na lamang ang boses niya at tila papalakas ito ng papalakas.
"Elle wake up!" Kasabay ng paglakas ng boses nito ay ang siyang pagtindi ng liwanag na nasa akin'g harapan.
Pinikit ko ang mga mata ko upang iwasan ito at ng unti-unti ng bumalik sa dati ang lahat ay doon ako muling dumilat. The moment I opened my eyes, a blurry figure came in front.
"My good god!" SInghal nito bago ako mabilis at walang pasabing yinakap. Nang makulong ako sa malambot ngunit mahigpit niyang yakap ay doon ko naramdaman ang pagbalik ng akin'g pandama. Warmth, ito agad ang naramdaman ko.
Kakaiba dahil kasunod ng pandama ay ang maayos na pandinig, paningin at samu't saring emosyon. Para akong bumalik sa katawan ko pero may kakaiba. Parang may nagbago.
Ano'ng nangyayari?
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at muntik ng malaglag ang akin'g panga sa gulat. Sa pagkakaalala ko ay na aksidente ako, kung may tiyansa man na mabuhay ako ulit ay sigurado akong hindi ganito ang itsura ng magiging kwarto ko sa hospital.
There's a lot of flowers. Butterflies flying around--at veranda ba yun'g nakikita ko na 'yon???
Para akong na punta sa mga libro ng pantasya na nababasa ko sa mga text books namin. Is this the after life? Pero wala naman silang nabanggit na magiging ganito ka kulay ang lahat.
Sa wakas. Matapos ang pagkahaba-habang yakap mula sa babae ay kumalas na ito atsaka niya ako pinakatitigan.
Namilog ang akin'g mga mata ng makita ko kung gaano ito kaganda. Her beauty can't be compared to those little miss na sumasali sa pageant tuwing meroon'g event sa school namin. I don't know if this is her natural look, but she's so beautiful.
Her eyes are sparkling in a shade of lilac. A natural color of violet yet more lighter than that. Kahit na maamo ang kulay ng kaniyang mga mata ay may hindi ako matukoy na talim sa hugis ng mga ito. Lalo na at meroon'g nunal sa dulo ng kaliwang mata niya.
"Are you okay?" Mahinahong tanong ng babae. Kahawig ng boses niya ang boses ni mama.
Possible ba 'yon? Kung hindi ko lang siya kaharap ay pagkakamalan kong si mama ang kausap ko.
Kinunutan ko lang ng noo ang babae. Bagay na nagpakunot din sa kaniyang noo.
"Is there something wrong with you? May masakit ba?" Nag-aalala nitong tanong sa akin.