Menu Book

998 10 5
                                    

  Natutulog na naman ang mantika sa boteng pinaglalagyan nito, napanis na ang kanin sa kaldero, ang basuraha’y nilalanggam na…

               Unang araw ko sa karinderya ni Papa. Hindi ko alam kung bakit ito ang napiling negosyo ng aking Papa, samantalang tapos siya ng isang kurso na hanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin alam. Pero kung anu man ang dahilan niyang yun ay nagpapasalamat pa rin ako dahil ito ang bumubuhay sa aming pamilya, sa mama kong may sakit at sa mga kapatid ko na gumagatas pa.

                Sa loob nang 2 taon na bukas ang karinderyang ito, ngayon pa lang ako makakatulong sa pagtitinda, tandem kasi dati dito si papa at mama ngunit nang magkasakit si mama kailangan niyang huminto at magpahinga, kaya nawalag nang ka-tandem si papa… “kaya ko naman.” Ang laging pagmamalaki sa amin ni papa. “Pero kung gusto mo talagang tumulong ay pwede rin naman.” Ang habol niya.

                Kaya ayun, nandito ako ngayon, baka kasi magkasakit din si papa pag hindi pa ako tumulong. Ayoko nga sana pero enrollment na naman namin sa susunod na buwan kaya kailangang magsipag.

Ang Menu Book ni PapaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon