Chapter Two: Tubig

448 4 0
                                    

Tubig.

                Pangalawang araw ko na ngayon dito. Di ko maihakbang ang paa ko papasok ng karinderya.

Ang bigat, ang bigat.. hindi.. hindi.

                “Napapano ka ba? Hindi ka ba nag-almusal?” tanong ni papa. Di ko lang siya masagot na hindi pa ang-uumpisa ay pagod na pagod na ako. katamaran nga naman, pag-umtake tatamarin ka nga. Nag-unat-unat ako sa pagbabakasaling magising ako ngunit hindi pa rin tumalab.

                Nagising lang ang ulirat ko nang may narinig akong boses.

                “Tinapay nga yung mona,y bilis. Magkano?” tanong nang akala mo isang basagulero.

                “Monay? Karinderya to kuya baka naman naliligaw ka.” Ang naiinis kong sagot.

                “Taray naman nito.” Ang sagot ba naman ng barumbadong iyon.

                “Aba? Ikaw na nga tong walang galang ikaw pa tong may ganang magalit.” Ang laban ko. Inis na inis na talaga ako sa lalaking yon… papatulan ko n asana kaso biglang namang sumingit si papa. “Monay po ba sir? Wala pa po eh pero pagbalik niyo mamaya baka meron na po kaming monay, hinihintay ko pa po kasi ung bagong delivery.” Ang napakahinahon at napakagalang na sagot ni papa.

                “Ganun ba? Okay po sige babalik na lang po ako pamaya-maya.” Ang biglang magalang na sagot ng lalaki na kanina’y napakabastos. “Sige po.” Pahabol pa niya. At may po pa haaa, gulat ako.

                “Bakit biglang bumait yun? Napano?” ang pagkagulat ko.

                “kapag ang isang tao ay hindi nagpapakita ng kabutihan o galang wag mo na yong suklian ng kabastusan o katarayan. Bagkus palitan mo ito ng pag-ibig at galang, dahil kung hindi mo gagawin yun ay magbabastusan lang kayong pareho at hindi maganda yun lalo na sa iyo na isang babae.” Ang paliwanag ni papa sa akin. Tama nga naman siya. Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala sa inyo, ako nga pala si Jen, panganay sa magkakapatid at may kapatid na 2 years old. Anyways balik tayo sa taopic ng katarayan. Ade yun na nga, ayun… di naman ako nasermonan pero tinamaan ako dun.

                Alas dose na ng tanghali, Eat Bulaga! Ayan na sila tito, vic at joey pati ang mga dumaragsang jeepney driver, tricycle driver, construction worker, magbobote, magtataho, tindera at tindero sa palengke, mga dakilang tambay at mga hilong rugby boy. Iba-ibang tao, iba’t-ibang propesyon, iab-ibang dalahin… hirap, pagod, lungkot, bigat kitang-kita ko lahat yan sa kanilang mga mata. May tawanan dahil sa kakengkoyan ni Jose, Wally at EB Babes Paolo pero pagkatapos ng mga tawanan balik ang seryoso at nag-aalalang mga mata.

                “Tubig po manong?” ang alok ko sa isang construction worker. Mga  50 hanggang 60 ang edad ni manong, mukhang pagod na pagod siya at uhaw na uhaw, niabot ko ang isang basong tubig ngunit mukhang kulang pa rin, binigyan ko pa ulit at binigyan ngunit hindi parang hindi napapawi ang uhaw niya. “Isang taon atang hindi uminom tong si manong.” Ang bulong ko sa sarili at mukhang nakapansin na si manong. “Salamat ineng ha.” Ang pasasalamat ni manong. Naka-walong baso din si manong bago siya tumigil at mukhang nabusog na siya sa tubig pa lang.

                “May isang klase ng tubig na siyang tunay na pumapawi sa uhaw ko.” Ang biglang hirit ni manong.

                “Anu ho yun?” ang na-kyu-curious kong tanong. Ngumiti lamang si manong sabay sabi.“Kamusta na kaibigan?” tumungin ako sa aking likuran dahil mukhang naroon ang binabati niyang tao at nang aking lingunin, nakita ko si papa. “oh mang pete ikaw pala? Kamusta na ba? Matatapos na ba ang trabaho niyo ngayon?”  tanong ni papa. “Hindi pa, kaya mukhang mapapadalas pa ako dito sa karinderya mo, kaibigan.” sagot ni manong na nakilala ko sa pangalang mang Pete. “Aba ganun ba? Maganda yan.” Sagot ni papa. “Oo nga eh, matitikman ko pa rin ang masasarap mong luto at makakapakinig pa ako sa iyo kaibigan.” Ang sagot ni manong Pete. Walang duda masarap talagang magluto si papa pero hindi ko namana yun… makapakinig? Hmmm.. anung ibigsabihin ni manong Pete?

Ang Menu Book ni PapaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon