Chapter One: Gutom at Uhaw

661 6 0
                                    

Gutom at Uhaw.

                Sa isang buong araw kong pagtulong, gutom at uhaw ang inabot ko… “hindi ba’t karinderya to? Bakit nagugutom ako at na-uuhaw?” tanong ko sa aking sarili. Pero nang mga sandaling iyon mukhang ako lang ang gutom at uhaw, nakita ko kasi si papa na todo kung umasikaso sa mga costumer, bawat isa ay kina-kausap niya. Hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mukha, tila ba makita lang niyang busog ang mga costumer niya ay nabubusog din siya. At bago siya umalis sa table na inaasikaso niya, may mga ngiti ring naiiwan sa mukha ng mga costumer. Nakakahawa nga ata ang pag-ngiti niyang iyon at maging ako ay napapangiti na rin.

                Natapos din ang isang buong araw, nagliligpit na lang kami nang onting mga bagay; plato, baso, platito, kutsara, tinidor, tasa, mangkok, bandehado, kaldero, kawali, sansi, strainer, gulong, yero, lagari,  … teka nasabi ko bang onti? Reverse psychology. Dito pala mag-uumpisa ang kalbaryo ko, 2 oras na ring nakababad ang kamay ko sa tubig at sabon, sa pakiramdam ko nga’y tutubuan na ako ng kaliskis at magkakaroon na ng hasang ang aking mga palad..

               “Ako na dyan anak, magpahinga ka na sa loob. Paki-check na lang yung gamit na nakasaksak pa at pakitanggal na.” ang utos ni papa.

               “sige po, papa.” Ang tugon ko naman.

Paglabas ko, wow. Malinis na ang buong kainan. Ang bilis namang kumilos ni papa parang super hero. Inisa-isa ko ang mga de-saksak na gamit. Okay naman ang lahat. Chineck ko ang mga upuan at mesa, sa aking pag-aayos nakita ko ang isang wallet, binuksan ko ngunit walang kahit anung identification na nandoon. Pera lamang ang laman na nagkakahalagang 50 pesos at barayang bentesingko sentimos.“Akin na lang..!” ang mahina kong pagsigaw. “Ang alin?” ang pasulpot na tanong ni papa. “ito po papa yung P50.25, may nakaiwan po ata… wala naman pong identification baka pwedeng akin na lang po.”Ang sagot ko. Inaasahan kong papaya si papa ngunit… “Hindi pwede anak, kailangan nating isoli sa costumer yan… kahit gaano pa katagal ang hintayin natin ang importante ay maisoli natin yan, kung hindi tayo mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay paano pa sa malaking bagay?” Siyempre, tameme ako… anu pa bang sasabihin ko eh baradong barado na ako. Kaya tinurn-over ko na kay papa ang tumataginting na P50.25.

               Masaya kaming umuwi ni papa. Mission accomplished! Nakaraos din!

Ang Menu Book ni PapaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon