Tubig, Tinapay at Dugo.
Linggo na, panibagong araw sa karinderya. Maaga akong nag-ayos dahil sabi ni papa madami daw siyang costumer lalo na paglinggo. Siguradong mga busy na tao na naman ang nandun, mga kumakayod at hindi na makapagsimba.
Ako rin, ang tagal ko nang hindi nakapasok sa simbahan. Busy na kasi ako sa pag-aaral. Nawalan na ako ng time, daming project, at assignments pero ang masakit sa lahat hindi ko naisip na gumawa ng paraan.
“Anak, tara na… male-late na tayo.” Ang tawag ni papa.
“Andyan na po.” Ang sagot ko. Nagulat ako nang makita kong maging si mama ay nakabihis na. pati ang 2 taon kong kapatid, napaisip tuloy ako kung anung meron.
“ikaw ang bumuhat sa kapatid mo at ako na ang aalalay sa mama mo.” ang sabi ni papa.
Pagdating namin sa karinderya, nagulat ako sa aking nakita. Mga pamilyar na mukha, si mang pete, si lalaking dating barumbado at si aling marta.
“Ang aga naman nila, wala pa po tayong naluluto… anu pong ihahanda natin para sa kanila. Pauwiin na po natin sila para po hindi na sila maghintay ng matagal.” Ang pag-aalala ko.
“Bakit ka ba mas nag-aalala keysa sa akin? Hindi ba’t mas dapat akong mag-alala dahil ako ang kusinero dito?” ang sagot ni papa.
Sinalubong ni mang pete si papa, kinuha niya ang mga bitbitin nito. Ganyundiin si aling marita, lumapit siya kay mama at nangamusta. Pumasok na kami sa karinderya, pumasok na rin ang iba pang naghihintay sa labas. Iginilid nila ang mga la mesa at isinalansan ang mga upuan. Hanggan ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang mga pangyayari. “Napapano sila? Meeting? Anung grupo ba itong ginawa ng papa ko.” Ang umiikot na tanong sa aking utak.
Tumayo sa gitna ang papa ko, at nagsimulang magdasal. Ngayon ko na lang ulit siya narinig na magdasal simula noong 4th year high school ako.
“Magandang umaga sa inyong lahat, salamat sa inyong pagpunta. Tayo nang magsimula, buksan na natin ang ating mga bibliya sa John 4.14 sabi dito. –but no one who drinks the water I give will ever be thirsty again. The water I give is like an overflowing fountain that gives life. Life that will never be dry, mapapawi nito ang lahat ng uhaw at pasanin ng buhay natin but the question is... lalapit ka ba? Will you drink the water that He offers?” ang tanong ni papa.
Napatigil ako… napaisip… “Talaga bang kaya Niyang gawin yun? Talagang bang merong ganun?” ang tanong na biglang pumasok sa isip ko. Sa tubig na ibibigay ni Jesus ay tanggal na ang uhaw ko… yan ang pagkakaintindi ko sa mensahe na yun at kung sa paanong paraan man ay hindi ko na alam. “Pamilyar ata ang tubig na yun?” ang bulong ko sa sarili. “Tama! Si mang pete pala yun, naalala ko ang sinabi niyang yun noong una kaming nagkita… si Jesus pala, kaya pala ganoon na lang ang kanyang mga ngiti.” Ang dagdag ko. Mukhang totoo nga ang sabi ni papa… hindi lamang siguro talaga parang isang fairy tales ang istorya ni Jesus. Buhay na patotoo si mang pete… kaya lang… kaya lang…
“Hindi pa rin ako kumbinsido, may kulang pa.” ang bulong ko sa sarili kasabay ng malalim na paghinga.
“Hindi ko gustong putulin ang pagmumuni –muni niyo. Subalit may bagay pa kayo na dapat malaman… buksan niyo ang inyong bibliya sa John 6.35 sabi dito – Jesus replied. “I am the bread of life! No one who comes to me will ever be hungry.” Alam kong walang sinuman dito ang may gustong magutom o makaramdam ng gutom. Kung i-a-aaply sa ating mga buhay, walang sinuman ang gustong dumanas ng hirap, ng pagod at pagkabigo… ngunit kaibigan hangga’t hindi mo sinusuko ang buhay mo kay Hesus mananatili ka sa ganyang kalagayan, hindi ko sinasabi na kung na kay Hesus wala na ang mga ito… patuloy din kaming dumaranas ng mga ganyang bagay ang maganda nga lang sa aming sitwasyon… may Hesus… may Kristo, di nagpapabaya at hindi nang-iiwan. Ikaw gusto mo pa bang makaramdam nang pagkagutom? Kung hindi… handa ka bang lumapit sa Kanya?” ang hamon na naman ni papa.
Muling tumigil ang mundo ko… nakakatanggal Siya nang uhaw at nakakabusog Siya… ayos un haaa… parang yung karinderya lang ni papa. Pero sabi Niya panghabang buhay… panghabang-buhay? Marahil yun ang pinagkaiba nang karinderya at ni Hesus.
“Teka yun ung sinabi ni papa nung bumili nang tinapay si kuyang dating barumbado na ngayo’y mabait na..” ang sabi ko sa sarali ko. “talaga ba? Paano? Paano ako magkakaroon ng tubig at tinapay nay un eh matagal nang patay si Hesus… magkano naman kaya yun?” ang umiikot na tanong sa makitid kong utak.
“at panghuli… sabi sa bibliya –kung walang pagdanak ng dugo, walang pagpapatawad ng kasalanan… dugo… agn dugo na dumaloy upang ikaw at ako ay maligtas… pamilyar na kayo sa babasahin natin verse, maari bang absahin mo ito anak..” ang sabi ni papa.
“Ako po?? Ang alin po?” ang sagot ko.
“John 3.16..” ang sabi ni papa.
“sige po, saglit lamang po…” ang tugon ko. Binuklat ko ang bibliya, hinanap sa unang kalahating parte ng biblya ngunit di ko nakita. Sinubukan ko sa ikalawang kalahating parte ng libro ang paghahanap ngunit di ko nakita… napagod na ako… pinagpapawisan na ako… pressured… nakatingin silang lahat… kaya napagpasyahan kong… hanapin ang page number sa table of contents. Di ako nabigo nakita ko, page 915.
Huminga muna ako bago simulang basahin… “For God so loved the world that He gave His one and only Son…” iyon pa lamang ang nababasa ko nang biglang napahinto ako.
“Ang laki naman ng pagmamahal Niya sa atin, sa akin. Naibigay Niya ang nag-iisang anak para lang sa atin, sa pag-ibig Niya sa atin… anung klaseng pagmamahal yun. Gusto kong maranasan.” Ang bulong ko sa aking sarili.
Tinuloy ko ang pagbabasa. Nilakasan ko ang aking loob naniniwala akong hindi ako madadala nang aking mga emosyon, hindi ako maiiyak.
“…that whosoever believes in Him will not perish… but will have an everlasting life.”
Katahimikan ang bumalot sa buong lugar… ----- napayuko ako. pinilit kong itago ang aking mga mukha sa mga taong nasa paligid, ayokong makita nila ang mga luhang patuloy sa pag-agos. Akala ko matibay ako… akala ko kaya ko pa… pero hindi pala sa harapan Niya. Dinurog Niya ako, ipinakitang wala akong kakayahang pawiin ang uhaw sa aking pagkatao, tangggalin ang gutom sa aking buhay at iligtas ang aking sariling buhay mula sa poot Niya sa kasalanan.
“Panalo Ka na po… I want You, I just want You..” ang simple kong dasal sa Kanya.