Tinapay.
Natapos din ang nakakapagod na oras na yun, tanghalian talaga ang pinakamabenta at madaming tao. Hirap kasi kami lang ni papa pero ang galling ni papa kasi na-aacomodate niya lahat ng walang pagod. May ngiti pa rin sa kanyang mga mukha.
“May monay na kayo?” ang tanong nang isang pamilyar na boses.
“Papa nandito na siya.” Ang tawag ko kay papa.
“Sige, iabot na sa kanya yung monay nandyan sa ibabaw ng istante.” Ang tugon naman ni papa na naghuhugas ng pinggan.
“oh manong ito po oh. Sais yan.” ang sabi k okay kuya.
“Manong ka diyan, 20 pa lang ako no.?” ang sagot ni kuya.
“20? Ahhh.. parang hindi naman kuya. Wag ganun.” Ang pang-iinis ko. Hindi na sumagot si kuya, umalis na lang siya nang parang walang narinig.
“Anu bang sabi ko sayo?” ang bulong ni papa sa aking likuran. “ahhh.. ehhh.. wala po.”Sagot ko.
“Sigurado ka bang wala?” tanong muli ni papa. “Wala po talaga.” Ang muli kong sagot.“Sigurado ka ba talagang wala?” tanong niyang muli. “Paulit-ulit papa? Unli ka?” ang sagot ko sa aking isip dahil ang tunay kong sinagot ay. “Ihhhh papa, kasi eh… kakainis ung lalaki eh.” Patay na nasabi ko na ang totoo. Kaya yun marahil alam mo na ang mga susunod ng binugbog, nilublob sa tubig at pinabanlian… binugbog ako sa sermon. Nilublob sa tubig ang aking mga kamay dahil sa dami ng dishes at pinabanlian ng tubig na mainit ang sobrang daming utensils. Kala mo kung anu no? J
“Monay pa nga po… pabili..”
“Siya na naman! Siya na naman… hindi pa ba siya nabusog?” Ang tanong ko sa aking sarili. “Sige na anak ako ng bahala sa costumer bilangin mo na lang yung pera sa kaha.”
Pinagbentahan ni papa ng tinapay si kuya, sinalo niya na para siguro hindi na ako magtaray. Buti na lang. Limang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin tapos kausapin ni papa ang lalaking iyon. Mukhang pinagagalitan. Buti nga. Makaraan ang limang minute pa ulit, natapos din ang usapan nila ngunit hindi ko ineexpect ang reaksyong pinakita ni kuya. Hindi maipaliwanag ang mga ngiti sa kanyang mukha. “pinagalitan ba un?” tanong ko sa sarili. “Parang hindi naman ata.” Hirit ko pa.
“Ang tagal niyo naman po atang nag-usap papa?” ang tanong ko.
“Ganun talaga.” Ang simpleng sagot ni papa.
“Baka di pa busog yun, babalik yun para bumili na naman ng tinapay. Malamang sa pagbili niya ulit eh mabusog na siya.” Ang sabi k okay papa.
“Hayaan mo siyang bumalik, nagugutom eh. Pero hinding-hindi siya mabubusog sa tinapay o kanin lang, sapagkat hindi lang naman sa tinapay nabubuhay ang tao. May isang klase ng tinapay na bubusog sa buo mong pagktao.” Ang tugon niya sa akin.
Pamilyar sa akin ang mga salitang iyon ngunit hindi ko maalala kung saan at kalian ko narinig ang mga iyon. Kaya ganun din parang wala din.
![](https://img.wattpad.com/cover/3545191-288-k621287.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Menu Book ni Papa
Historia CortaMay masarap na niluluto si papa,halina't tikman! :)