Chapter 12

311 33 2
                                    

WALA nang nagawa si Vanessa kunʼdi ang sumama sa asawa niyang naambunan yata ng kabaitan. Daig pa yata ang asawa na pinapangarap niya noon. Dinaig pa ang mga fictional characters sa pocketbook na gusto niyang mapangasawa noon.

Gusto lang naman niyang sunduin siya nito pero mas sobra pa yata ang ginawa ng lalaki. Nakasundo pa nito agad ang ama niya na mahirap paamuhin.

Napailing na lang si Vanessa, hindi na nga niya mabilang kung ilang ulit siyang napailing. Nagtataka talaga siya kung ano ang nangyari sa asawa niya. Imposible naman talaga diba kung bumait na lang ito bigla. Naisip niya tuloy na baka nauntog ang ulo nito sa sahig kaya bilaang bumait. Pero imposible, bulong na naman niya.

Pinagmasdan niya ang lalaki habang kinukuha ang mga maleta niya upang dalhin sa loob ng bahay nito. Ito ang gusto niyang gawin ni Gian noong bago palang silang kasal ngunit iba ang ginawa nito, mas malala pa sa babaing nasa menopausal stage.

Tutok na tutok lang siya sa ginagawa ng asawa. For the first time naging gentlemen na yata ito sa kaniya.
Napalingon sa kaniya si Gian na nakakunot ang noo.

Ayan na, mukhang lalabas na ang totoong ugali. Syempre, wala na kami sa bahay kaya tapos na ang drama.

“What?” iritang tanong nito sa kaniya. Iniling niya ang ulo. “Then, why are you staring me like that?” tanong ulit nito sa kaniya.

“Like what?”

“Na para bang kakainin mo ako,” he said and smirk.

Sinapak niya ito sa braso. “Bastos!” naiinis na sabi niya rito at nagsimulang naglakad palayo.

Bahala na ang lalaki sa maleta niya. Hindi pa yata tapos ang pagda-drama nito kaya hahayaan na lang niya muna. Baka mahal ang talent fee, susulitin na lang niya kahit hindi niya ito babayaran.

“Makasalita ng bastos parang walang ginawang kababalaghan sa kuwarto niya kanina,” natatawang bulong ni Gian pero hindi na iyon narinig ng babae. Napakamot na lang si Gian sa braso na sinapak ni Vanessa.

Mukhang hindi magtatagal magiging punching bag na siya. Wala sa sariling napailing si Gian.

PINADAANAN ng kamay ni Vanessa ang kama na kinauupuan niya ngayon. Ang ganda niyon sa kamay, malambot na parang magiging maganda ang gising niya kapag sa kama na iyon siya matutulog.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ito na ang magiging kama niya. Sa sobrang lambot niyon ay halos lulubog na si Vanessa.

Inilibot niya ang paningin sa buong kuwarto. Kulay asul ang buong dingding na may halong puti na pintura at may ilang paintings na nakasabit na nakaaakit sa bawat titingin. Hindi masakit sa mata ang bawat kulay na nakapaloob sa kuwarto, manly at eye attracting iyon.
Pang Gian talaga ang dating.

Natulala pa siya kanina nang sabihin ng asawa na sa kuwarto na siya nito matutulog. Buong pagtataka niya itong pinasadahan ng tingin. Parang kailan lang, halos lumabas ang mga ugat nito sa leeg para sa maidʼs quarter lang siya matulog. Tapos ngayon, pumapayag na ito na magkatabi sila matulog.

Hindi naman siguro siya si Cinderella. Sana hindi mawala ang kabaitan ng asawa niya pagpatak ng alas dose.

Napaangat siya ng tingin nang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok ang asawa niya, bitbit ang kaniyang dalawang maleta. Lumapit ito sa walk-in closet nito at binuksan iyon. Marahil, doon nito ilalagay ang mga gamit niya. Hanggang titig lang ang kaniyang nagawa.

“Okay lang ba sa iyo ang kuwarto o may ipapabago ka?” untag nitong tanong sa kaniya na patuloy pa rin sa ginagawa.

Muli niyang inilibot ang paningin. “Are you for real?” gulat niyang balik-tanong sa asawa na ikinakunot ng noo nito. “Ahm.” Tumikhim siya. “I mean, pumapayag ka talagang ayusan ko ang kuwarto mo?” nauutal niyang dagdag.

Cutting the YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon