NAPABUNTONGHININGA si Vanessa. Lahat ng maaari niyang maging posisyon sa pagtulog nang gabing iyon ay nasubukan na niya pero ayaw pa rin talaga siyang dalawin ng antok, naging mailap iyon sa kaniya. Dapat kaya siyang magpasalamat dahil stranded ang pinsan niyang si Sharon sa Cagayan kaya nagkaroon siya ng magandang pagkakataon na tumira pansamantala sa lungga ng baklang si Gian.
Parang ang sama ko naman kung ganoon, oportunista.
Bumangon siya sa kama at binuksan ang pinto ng kuwarto na papuntang terrace. Yumakap agad sa kaniya ang malamig na hangin dulot ng bagyo. Hindi naman kalakasan iyon sa lugar nila pero sapat na para magdulot ng lamig na hangin. Tumingin siya sa halos hindi na makitang buwan.
Ang dami na niya talagang kasalanan, lumayas na naman siya sa bahay nila. Hindi niya rin maintindihan ang sarili, gustong-gusto niyang sawayin ang Daddy niya. Gaya ngayon, ayaw na ayaw ng Daddy niya na sumabak siya sa magulong mundo ng showbiz pero sumuway na naman siya. Iyon kasi ang trabaho ng Mommy niya bago sumakabilang-buhay.
Gustong-gusto niya talagang maging artista at sumikat sa madla. Parang iyon lang kasi ang maipagmamalaki niya at maaaring makalamang siya sa pinsan niyang si Sharon.
Simula nang tumuntong siya ng kolehiyo ay inggit na inggit siya rito. Lahat kasi ng gusto niya ay mayroon ang babae, lalong-lalo na ang lalaking gusto niya, walang iba kunʼdi si Gian Saldivar, ang pinakamabait nilang instructor sa university.
Gustong-gusto niyang gayahin ito pero hindi naman niya magawa. Normal lang sa pinsan niya ang maging simple at mabait samantalang siya ay parang tuwid na kawayan na pinipilit gawing baluktot.
Lumakas ang ihip ng hangin makaraan ng ilang minuto niyang pamamalagi sa terrace. Balak na sana niyang pumasok pabalik sa kuwarto na inuukupa niya nang biglang bumukas ang pinto ng terrace ng katabing kuwarto, ang kuwarto na ginagamit ni Gian.
Pakiramdam niya ay nasa isang pelikula siya at ginagampanan niya ang role ng bida. Nagkaroon ng slow motion ang lahat nang lumabas sa pinto ang lalaking hinahangaan niya, ang ex-boyfriend ng Ate Sharon niya, si Gian Saldivar.
Nang malaman niyang ex-boyfriend pala nito si Gian ay mas lalong sumidhi ang inggit na naramdaman niya sa pinsan. Ang suwerte talaga ng Ate Sharon niya.
May hawak na cellphone si Gian at umupo sa isang silya. Hindi nito napansin ang presensiya niya. Dati pa man ay parang wala lang sa lalaki ang presensiya niya.
Ilang segundo lang ay napalingon si Gian sa gawi niya. Bumalik ang tingin nito sa pagiging seryoso at muling ibinalik ang atensiyon sa hawak nitong aparato.
“Hindi ka rin makatulog?” tawag pansin niya sa lalaki kahit batid niyang naiinis ito sa kaniya. Palagi naman itong naiinis kapag nagpapapansin siya, ayaw daw kasi nito sa babae, lalaki rin daw ang hanap nito.
Nang hindi siya sagutin ni Gian ay tumingin na lang siya sa buwan na kasalukuyang tinatakpan ng maiitim at makakapal na ulap sa kalangitan.
“Grabe ang buwan, ‘no? Kahit pilit siyang tinatakpan, lumalabas pa rin talaga ang ganda nito. Parang ako lang, Gian ‘no?” pangungulit niya pa rin. Lumingon siya sa lalaki na salubong na salubong na ang magaganda at makakapal na kilay.
“You’re right, just like you. Kahit hindi pinapansin ay patuloy pa rin sa pagdaldal. Saan mo nakuha ‘yang self-confidence mo? Nakaka-believe eh,” saad nito na may kasamang sarcasmo, pagkatapos ay umalis na ito sa terrace at pumasok na sa kuwarto nito.
“I’m talking about beauty, ang hirap pala kapag nasobrahan sa talino.”
“TICK, tock. Tick, tock,” aniya at iginalaw ang mga kamay na para bang nagbibilang. Nasa harapan niya si Gian at nakaupo rin sa kama ang asawa niya at nakakunot ang noo na nakatingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Cutting the Years
Ficción GeneralVanessa Alvarez, the spoiled brat and the black sheep of her clan. She loves playing and teasing her college instructor, Gian. Bunga sa maitim niyang plano, naging asawa ni Vanessa ang isang baklang fashion designer slash teacher na si Gian Saldivar...